Ten - Day 1 (Part 1)

7.2K 64 1
                                    

Harper

"Kain ka na. May pupuntahan pa tayo."

Pagkagising ko kasi wala na siya sa tabi ko. Saka mukhang may pupuntahan kami kaya binilisan ko na lang kumain.

Pagpunta ko sa banyo dun sa kwarto na tinutuluyan ko, buti na lang at may mga gamit. Kaso naalala ko naman bigla yung mga damit ko. Paano na yan? Mukhang wala ata akong damit kasi naman biglaan eh. Hindi na ako nakapag-ready.

Sakto naman kumatok si mike. Pinagbuksan ko siya at may bitbit siyang bag.

"Harper, ito na yung mga damit mo. Kinuhanan na kita."

"A-Ah, salamat mike."

Ginulo niya lang yung buhok ko tapos ngumiti.

"Sige na, maligo ka na."

Pagalis niya, humanap na agad ako ng masusuot. Hala. Ang ninipis naman ng mga 'to. Bibili na lang siguro ako ng jacket on the way.

Nung naghahanap ako ng damit, naisip ko na kung kumuha si mike ng mga damit ko... edi nakita niya din yung mga bra at panty ko? Halaaaaa! Nakakahiya! Namula ako sa naisip ko at pinabayaan ko na lang. Ano pang magagawa ko? Tapos naman na eh.

Mga 30 minutes lang ako naligo, nagbihis at nagayos and ready to go na ako kaya pumunta na ako sa baba. Nakita ko si mike na nag-aayos ng mga gamit niya sa bag. Nilapitan ko siya at sinabi na ready na ako. Inabutan niya ako ng jacket na itim.

"Sayo na lang yan. Malamig kasi."

 

"S-Salamat."

Ano ba yan. Puro na lang ako salamat. Naisip ko na balang araw ako naman yung mag-eeffort para hindi yung puro siya lang kasi nakakahiya naman sa kanya. Parang ang senyorita naman ng dating ko tapos butler ko siya.

Habang nasa byahe kami, hindi naman kami masyadong nag-uusap. Wala din naman akong masabi. Eh sila naman ni sky ang close eh.

"Nga pala, pupunta tayo ngayon sa bahay ni tita. Aalis kasi sila tapos walang magbabantay sa 5 years old na anak nila tapos wala din yung katulong nila. Okay lang ba sayo?"

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon