One - Plans

15.4K 81 0
                                    

Plans

Harper

"So sweety, do you have any plans for next week?"

 

"Yes mom. But I still need a few help."

"Sure. Just tell me what to do sweety" She kissed my cheek and waved goodbye. I smiled and waved back.

"Ang bait talaga ni mommy" Bulong ko sa sarili ko.

Kailangan na kasi ni mommy umalis para bumalik sa trabaho. Dito kasi ako sa little boutique na binigay niya sakin just to get started. Gusto ko kasi ma-try na mag-manage ng boutique kahit maliit lang. Pangarap ko kasi makapagtayo ng sarili ko at maging designer. Kahit hindi naman sikat basta maging designer lang ako, masaya na ako.

My mom knew about my dream kaya binili niya itong boutique na ito when I was 16. I can say na im really lucky to have my parents. Hindi nila ako pinipilit. They always support me sa mga desisyon ko. In exchange, i've been a very good daughter. Hindi naman nila kailangan mag-alala pa sa magma-manage ng companies dahil nandiyan naman si kuya.

Wala si kuya ngayon. Nasa london siya dahil sa isang business trip. Sabi niya uuwi daw siya next week. Siguro nagtataka kayo kung anong meron next week ano? Sige. She-share ko sa inyo. Next week is my 18th birthday. Pinabayaan nina mama na ako na ang mag-asikaso sa lahat since birthday ko naman daw yun.

Gusto ko kasi simple lang. Hindi kasi ako pinalaki nina mommy at daddy na mayabang or magastos. Hindi kasi sila kunsintidor. In fact, tinuturo nila samin palagi ni kuya na mag-donate at mag-tipid. They always say that we should be humble. See? Mabait sina mommy at daddy.

Excited na din ako kasi makikita ko na din yung boyfriend ko sa birthday ko. Actually hindi pa kami nagkikita eh. Hanggang text, call at webcam lang. Nakilala ko siya sa internet. Yes, na-inlove ako sa kanya. Some say its stupid. But what do i care? Hindi pa kami nagkikita dahil medyo malayo siya. Hindi kasi ako mahilig gumala. School at bahay lang ako. Kapag nag-travel ako, there's a 95% chance na maligaw ako. Ayaw ko namang magpa-hatid. Di pa kasi alam nina mommy. Sasabihin ko pa lang sa lahat next week.

Tuwing naiisip ko na magkikita na kami ng boyfriend ko next week napapangiti ako. Para tuloy akong baliw dito sa boutique. Nakangiti mag-isa. Dito kasi ako sa table sa front desk ng boutique nagse-sketch ng new designs.

*kring*

Tumunog yung bell sa pinto na ang ibig sabihin ay may pumasok. Yung bell na tumutunog kapag may pumapasok at lumalabas. Alam niyo naman siguro yun diba?

Napatayo ako mula sa pagkaka-sketch at napatingin sa pumasok. May matipunong katawan, maayos na buhok, maporma, may mapupulang labi na masarap halikan, matangos na ilong at matangkad. Halata mong mayaman. "Yes sir?"

"Gusto ko sanang mag-pagawa ng suit for a party next week"

 

"Sige po. Susukatan ko na po kayo. Ito po yung catalog ng mga suit. Pili na lang po kayo"

Naupo na siya sa sofa at tumingin sa catalog. Gwapo siya, oo. Pero hindi ko magawang maakit sa kanya kasi may nagma-may ari na ng puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ang laki ng tama ko sa boyfriend ko kahit hindi pa kami nagkikita.

After ng ilang minuto ay sinara na nung lalake yung catalog sabay tayo at lapit sa akin. "May nagustuhan po ba kayo?" Nakangiti kong sabi.

"Wala. Gusto ko personally made. Pwede ka ba gumawa ng babagay sa akin? Gusto ko ikaw ang magde-design. Designer ka naman diba?"

Nagulat ako. Oo designer ako. Pero yung mga design ko pambababae. Iba ang designer ng mga suit at mga panlalake. I mean, di pa ako marunong! Apprentice pa lang ako!

"H-Ha? P-Pero----"

"Its solved then. Sukatan mo na ako. Ikaw na bahala. Kukunin ko na lang next week before ang party."

"K-Kasi-----"

"I trust your work. Dont worry, I'll pay you. Mas malaki pa sa original price." Nakangiting-ngiti niyang usal.

Wala na akong sinabi at um-oo na lang ako. Nafu-frustrate ako. Im not after the money. Pero siguro okay na din 'to. Practice makes perfect naman eh. I'll just do my best.

Sinimulan ko na siyang sukatan. Medyo awkward kasi lalake siya. First time ko magsukat sa lalake eh! Pero siya mukhang walang pakielam. Is it just me or nakita ko ba talaga siyang ngumiti nung sinusukatan ko yung lower part ng body niya?! No no no harper.

"Ayan sir tapos na! Gagawin ko na lang po ang best ko para makagawa ng suit na babagay sayo" Determinado kong sabi.

"Thanks" Binigay niya sakin yung information niya. Name, number, address, etc. Para kung sakaling magka-problema daw eh masabi ko sa kanya. Pagkatapos niya maibigay ay umalis na siya.

Naku. Dagdag stress nanaman ito. Yung date ng party ay kasabay ng birthday ko. Eh the night before that ay kailangan ko mag-ayos. Busy din ako this week kasi kailangan ko asikasuhin yung party. Pero kasi.... he trusts me! Bakit naman kasi dito pa sa boutique ko? Bakit sakin pa? Bakit ngayong week pa?

I looked at his name dun sa record book ......

Miguel

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon