Seven - Mall

6K 58 5
                                    

Mall

Harper

 Automatic na napatayo agad ako sa kama ko nang masinagan ng araw yung mukha ko. Ayaw ko lang kasi sa sinag ng araw dahil masakit sa mata.

Pagtayo ko, naisip ko na pumunta muna sa kusina para i-check kung nakapag-luto na ba sila ng breakfast para kung sakaling hindi, ipagluluto ko na lang sila para at least, may maitulong man lang ako dito sa kanila.

Napansin ko na may mga nakahanda nang pagkain sa mesa at may nakaupo sa kabilang side ng table na nagbabasa ng dyaryo.

"Sky, ikaw ba nagluto ng mga 'to?"

Ibinaba niya ang dyaryo at nagulat ako nang makitang hindi ito si sky kundi si mike.

"Oo ako nga. Umupo ka na dito sa tabi ko para sabay na tayong kumain." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Uhmm... Okay? Nasaan si sky?"

 

"Umalis na kanina pa para ayusin yung requirements niya. Ang sabi niya sakin ako daw muna bahala sayo ngayong araw kasi magiging busy siya."

Ano ba naman yan si sky, sana sinabi niya na lang sakin kahapon.

Syempre no choice ako kaya umupo na ako sa tabi niya.

"Ipinagluto mo pa ako?" Tumango siya kaya agad din akong nagpasalamat kasi naman diba, naisip niya na ipagluto din ako kahit na hindi kami gaanong close at kakakilala pa lang namin sa isa't-isa.

Oo nga pala, may naalala akong itanong kay mike.

 

"Mike, gaano na kayo katagal na magkaibigan ni sky?"

 

"Hmm... Mga 5 years na din. Bakit mo natanong?"

 

"Ah, wala naman."

Wow. 5 years? Ayos naman pala. Matagal na silang magkaibigan ni sky kaya mukha namang mapagkakatiwalaan. Since, may trust naman si sky sa kanya, okay lang din naman siguro kung ako din. He doesn't look like a bad person to me anyway.

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon