Five - Vain

9.6K 64 6
                                    

Vain

Harper

Pagkagising ko ay agad akong dumiretso sa kusina para humanap ng makakain. Totoo kaya lahat ng nangyari kagabi? O baka naman nananaginip lang ako?

Kumuha ako ng tinapay at juice. Nilagyan ko ng palaman na nutella yung tinapay sabay kagat.

"Penge ng tinapay."

 

"Sige lang."

 

"Salamat."

 

Lumingon ako sa taong kumuha ng tinapay. "Walang...." Nalaglag yung panga ko at yung hawak kong tinapay. "...Anuman?"

Tumawa lang siya at nilagyan na ng palaman yung tinapay niya. T-Teka... S-Si.... "Mike?!"

 

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo dyan?"

So hindi ako nananaginip lang kagabi? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

"Wag mo naman ako masyadong titigan, baka malusaw ako nyan."

I blinked twice at nung naka-recover na ako ay agad ko siyang tinanong. "I-Ikaw?! B-Bakit ka naandito?!"

"Ayos ah." He chuckled. "Masama na palang umuwi sa condo unit ko?"

A-Ano daw? Condo unit niya daw? Am I hearing things right? Bakit parang simula nung dumating itong lalaking ito sa buhay ko, nagsimula na akong matulala, mabingi, at kung anu-ano pang kabaliwan?

"S-Sayo? A-akala ko kay---"

 

"Nope. Sa akin itong condo unit. He lied to you."

Binalik ko na lang yung tingin ko sa table at uminom na lang ng juice. May dahilan naman siguro si sky para mag-sinungaling siya sakin. Lahat ng bagay may rason. Ayoko kasi ng basta-basta na lamang magagalit kahit hindi ko pa napapakinggan yung side ng ibang tao. Mahirap na mag-assume.

"Oh tulala ka nanaman? Sige maliligo na ako."

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon