Eight - Start of classes

5.9K 58 2
                                    

Harper

Lumipas lang ang mga buwan na kasama ko si sky. May mga araw naman na kami ni mike ang magkasama. Minsan din ay sumasama ako sa paggala-gala nilang magkakatropa. Gano'n kabilis lumipas ang bakasyon ko. At hindi ko nga namalayan na ngayon na pala ang pagsisimula ng mga klase.

Nauna nang umalis si mike kaya kami na lang ni sky ang sabay na pumunta sa school. Nagpunta kami sa bulletin board para tignan yung rooms namin. Habang nagtitingin kami ay biglang may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay sina Rupert lang pala iyon. Nginitian ko lang sila.

"Nagtitingin din kayo ng rooms niyo?" - Ogie

"Oo eh." - Ako

"Patingin nga ng schedule mo harper." - Rupert

Matapos nila tignan yung schedule ko ay si rupert at prince ay kasama ko sa dalawang subject at isa naman ay kay ogie. As for sky? Well, nakakadismaya pero wala. Naiinis nga siya eh tapos inaasar pa siya ng mga kaibigan niya. Si mike kaya? Ilang subjects ko kaya siya magiging classmate?

Speaking of mike, "Nasaan si mike?" Tanong ko sa kanila.

"hmm, hindi namin siya kasama. Pumunta na ata sa classroom niya." Sagot ni prince. Tumango naman ako at nagsialis na din kami at nagpunta sa kanya kanyang classroom. Nagpaalam ako kay sky at susunduin niya na lang daw ako mamaya.

 Hinanap ko na yung classroom ko. Room 402. Sa Law building pala. So medyo malayo-layo pala pero okay lang kasi maaga pa naman.

Pagdating ko sa classroom, konti pa lang yung students. May natutulog at may mga magkakaibigan na nagku-kwentuhan. Nakaka-op naman kasi wala akong kakilala dito. Kaya sa dulo na lang ako naupo sa tabi ng bintana.

Nakatingin lang ako sa may bintana at kita mula sa pwesto ko yung garden ng school tapos yung hangin niya malamig. Maya-maya ay napatingin ako sa table ko kasi may nagpatong do'n ng paper bag. Tumingin ako sa naglagay at nagulat ako sa katabi ko.

"Mike!"

Nginitian niya lang ako at tinignan ko yung laman ng paper bag. Chocolate cake at mango shake. Agad akong napangiti at tumingin sa kanya. "Salamat."

Tumango lang siya bilang sagot. Tapos naisipan kong tanungin siya kung bakit ang aga niyang umalis kasi hindi man lang siya sumabay sa amin ni sky at nagpaalam.

"May pinuntahan lang." Matipid niyang sagot. Kaya ipinagkibit-balikat ko na lang yun at kumain. May 30 minutes pa naman eh. Pumasok lang ako ng maaga baka kasi maligaw ako.

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon