Six - Enrollment

8.5K 62 4
                                    

Enrollment

 

 

 

 

Harper

"Nahihiya ako sky."

 

"Harper naman! Mage-enroll ka lang. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay."

Kahit na sinabi pa yun ni sky, hindi ko pa din magawang hindi kabahan. New school. New people. Ang daming 'what if's' na pumapasok sa utak ko. What if may new bullies? What if hindi maging masaya yung next sem ko? What if. Puro what if. Kahit kayo naman siguro ang may naka-experience ng ultimate bullying mato-trauma din kayo.

Napansin siguro ni sky yung takot sa mga mata ko kaya niyakap niya ako. Somehow I feel so... safe? Hindi naman kasi palagi na may taong laging nandyan para protektahan ka. Lalo na nung mga panahong mag-isa lang ako tat walang kasama o kakampi man lang. Yung mag-isang hinaharap lahat ng problema. Ayaw ko na din i-consult sina mommy dahil alam ko na masyado silang busy sa work.

"Shhh. Wag ka mag-alala. Mababait naman mga tao dun. Saka andun sina ogie, rupert, prince at mike. Magkakasama tayo kaya kahit papaano may kakilala ka."

Medyo nawala naman yung takot at kaba na nararamdaman ko dahil sa pagkakaalam na andun sila ogie. New friends. At least hindi na ako nag-iisa. I think im improving. Siguro kung patuloy lang ako sa pakikisalamuha sa mga taong katulad nila mawawala na yung trauma ko. Good start.

"Sige tara na sky."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

"Saan ba dito?"

 

"Hahaha! Harper naman! Kakaturo ko lang nakalimutan mo na agad?"

Nag-pout ako sabay simangot. Kasalanan ko ba na umaatake nanaman yung pagiging ulyanin ko? Saka ang laki kaya ng campus! Hindi naman ganun kataas yung memory ko para ma-kabisado lahat lahat sa isang iglap lang! Sige na aaminin ko na. Medyo boplaks ako. MEDYO lang! Sa memory ako mahina. Hindi ko nga alam kung bakit kasali pang top 3 ako eh. Siguro memory gap na din sila? Hahaha.

"Hmpf!" Sabay talikod ko sa kanya. Alam ko naman na hihilain niya ako para makipag-bati eh. Saka hindi naman ako seryoso na aalis ako. Maliligaw lang ako 'no!

 

"Harper sorry na. Joke lang." See?

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon