Two - Debut Party

11.3K 71 0
                                    

Debut Party

Harper

2 days na lang birthday ko na! Kasabay nun ay yung suit. Actually tapos ko na sya. Hindi ko nga alam kung magugustuhan nung miguel. Mula kasi nung pumunta siya sa boutique hindi na siya nagpakita pa. Seryosa nga siya sa sinabi niya na the day before the party pa siya magpapakita.

As for the plans para sa party, few touches na lang tapos na siya. Si mommy na ang nag-aasikaso. Buti nga at tapos na yung stressful week ko eh. May susuotin na din ako. Sana talaga magustuhan niya yung first suit na ginawa ko. Ang dami ko ding stress dun ano!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Ito na yung araw na babalik si miguel sa boutique! Naupo lang ulit ako sa front desk at nag-sketch habang nag-aantay sa kanya. Napatigil ako sa pagse-sketch nang mag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung nagtext.

From : Hon my loves <3

Birthday mo na bukas! Advance happy 18th birthday hon! Pwede na tayo magpakasal! Hahaha. Joke lang. Dapat makapagtapos muna tayo syempre. Sa wakas magkikita na din tayo. I'll make sure na gwapo ako bukas. I love you hon. - Kiss

Nawala yung kaba ko at napalitan ito ng kilig. Napapangiti nanaman ako mag-isa. Baka akalain ng mga tao sa labas na makakakita sa akin baliw na ako! Hahaha. Baliw na baliw sa kanya. Magre-reply na dapat ako nang tumunog yung bell sa pinto kaya hindi ko na naituloy yung ita-type ko.

"Tapos na ba yung suit?" Medyo iritado niyang sabi. Mukhang badtrip siya kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung hindi niya magustuhan? Tapos no choice siya kundi suotin ito? Pero kasalanan niya naman eh. Kaso hindi ko naman magawang magalit. Masama daw kasi ang manisi at mag-baon ng galit sa kapwa.

"O-Oo. Ito oh" Sabay abot at pakita ko sa kanya nung suit.

Habang sinusuri niya ito ay pinagpapawisan yung kamay ko at nagdadasal ako na sana magustuhan niya ito. Narinig ko siyang tumikhim kaya napamulat ako at agad tumitig sa mga mata niya pero maya-maya ay umiwas din siya.

"N-Nagustuhan mo ba?"

"I loved it." Nakangiti niyang tugon.

Agad nawala yung kaba ko at napalitan ng saya ang buong puso ko. "Salamat. Alam mo kasi first time ko gumawa ng suit. Puro kasi pambababae ang design na ginagawa ko kaya medyo na-stress ako sa paggawa niyan. Hehe"

Ni-pat niya yung ulo ko. "Talaga? First time mo? Ang galing mo namang first timer." At ngumiti nanaman siya na lumalabas ang dimple niya na lalong nakakapagpa-gwapo sa kanya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

"Sweety are you ready?"

"I was born ready mom"

Natawa naman si mommy sa sinabi ko. "Mana ka talaga sakin. 30 minutes na lang start na"

Birthday party ko na. Sa wakas. Dinapuan nanaman ako ng kaba. Naandito lahat ng kamag-anak ko pati mga kaibigan pati na din yung boyfriend ko. Ngayon ko siya ipapakilala sa kanilang lahat. Since surprise ko nga ito para sa kanila. Nagtataka nga si mommy kung sino daw ang last dance ko sabi ko secret at isa iyong surprise. Wala namang kaso yun kay mom at ngumiti na lang siya.

Makalipas ang limang minuto ay narinig ko na ang announcement at tinawag na ako ng emcee. Lumabas ako at napatahimik ang lahat at nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa akin habang daha dahan akong bumababa ng hagdan. Hindi ko magawang hanapin siya dahil sa nakakasilaw na ilaw. Hindi bale, may usapan naman kami. Alam ko. Nararamdaman ko. Naandito siya.

Naging maayos naman ang takbo ng birthday party ko hanggang sa dumating sa 18 dance. Ito na ang pinakahihintay ko na event. Makikita ko na din siya. Ang lalaking una kong minahal at patuloy ko pang mamahalin.

Ang ilan lang naman sa mga naka-sayaw ko ay yung mga pinsan ko at close friends na lalake. Yung pang-sixteen ko ay si daddy.

"Dalaga na ang princess ko. Malapit ka na mag-asawa at iwan kami ng mommy mo" Naiiyak na sabi ni daddy. Asus! Nag-drama nanaman.

Pinunasan ko yung luha ni daddy. "Pa naman! Kasal agad? Naandito pa ako sa harap mo oh!" Natatawa kong paliwanag kay daddy.

Matapos ang ma-drama naming pag-uusap ni daddy ay si kuya na ang susunod. Na-miss ko talaga si kuya. 25 years old na si kuya eh. Pero wala pa ding asawa. Napaka playboy kasi. Natutuwa talaga ako at umuwi pa si kuya at isinantabi lahat ng gagawin niya para lang maka-attend sa birthday ko.

"Hi kuya. Im so glad you came"

Pinisil niya ang ilong ko. "Of course. Birthday na ng isa sa pinakamamahal kong babae sa mundo eh"

"Kuya talaga. Haha"

"Sino ba ang last dance mo?"

Nginitian ko lang si kuya. "You'll see"

Matapos mai-announce ng emcee yung last dance ay may lumapit sa aking lalaki. Yung mukha na kinahumalingan ko ng sobra. Yung mukhang nakikita ko lang sa internet. "Harper" at yung boses na naririnig ko lang sa celphone o sa tuwing magkausap kami sa skype. Hindi ako makapaniwala na naandito na siya mismo sa harap ko. Abot-kamay ko na siya.

Sa sobrang pagkatulala ko, di ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Pinulupot niya yung braso niya sa bewang ko at pinulupot ko naman yung braso ko sa leeg niya. Narinig ko na napa-singhap yung mga tao sa paligid ko.

Ipinatong niya yung noo niya sa noo ko. At dahan dahan kaming nagsayaw.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makita at mahawakan ka"

Nakipagtitigan ako sa kanyang malambing na mga mata. "Yes. Masaya din ako na naandito ka na sa tabi ko sa wakas, sky."

 Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ang kanta at nakita ko na halos tahimik lang ang lahat na nakatingin sa amin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni sky at hiniram ko ang mic na gamit ng emcee.

"Everyone! I'd like you all to meet my 1year boyfriend" Nagulat ang lahat sa sinabi ko at nagsimula na ang bulung-bulungan.

"Mahal na mahal ko po siya! And his name is........

Sky Galeo Buenafe"

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon