ICE'S POV
Simula ng aksidente sa mall, hindi na ko nagpakita pa doon sa place ng bastos na lalaking yon. Pero kung hindi nga ba naman marunong mambwisit ang lalaking yon, bat pa sya nagpakita sakin sa birthday ni kuya Gio?
Ilang months na nga ba ang nakaraan? Parang kelan lang nangyari ang mga sandaling yon. Hanggang ngayon inis parin ako sakanya.
Months nga lang ba?
Isang taon ang lumipas.
Isang taon na akong galit dito.
Isang taon ko pinag titiisang matanaw ang bahay nito.
Wala akong kabali-balita sakanya. Wala din akong interest sa buhay nya no! No way!!
"Ice ikaw na."
"First Honor, Unice Alcantara." Narinig kong tawag ng speaker.
Gagraduate na din ako sa wakas. Ang saya ko.
Sa tuwing ako ang nanguguna at may award ako, si dad ang umaakyat sakin sa stage. Kaya naman kina career ko ang pagiging first honor. Para kasi sakin, ang mga sandaling may award ako nararamdaman kong may dad ako na sumusuporta.
"Congratulations." Bati sakin ni Gia.
"Haha congrats satin."
Second honorable mention ang bestfriend ko. Mana sakin eh.
"By the way iha, i need to go first. I have a business meeting to attend to. Would you mind kung kila Gia kana muna sumabay pauwi." Sabi sakin ni dad.
"Thats ok tito." Si Gia ang sumagot.
"Thank you. Nag pahanda na nga pala ako kay Liit. Kayo na ang bahalang mag celebrate."
"Sure dad. Just .... takecare." Yun nalang ang naisagot ko. kahit parang napakarami kong gustong sabihin dito. Kung sabagay, hindi ko rin naman alam kung ano ang mga salita na dapat kong sabihin sa kanya.
Hayon at kame nalang ang nag celebrate.
-
-
-
MYCO'S POV
Im a 2nd year IT student of AMA. Bakit Information Technology? Eh kasi i find it interesting. Sa panahon kasi ngayon, hindi na mapigilan ang patuloy na pag lago ng teknolohiya. Mabuti ng may alam ako sa mga nag lalabasang technologies and programs and also, animation is indeed my hobby.
"I nominate Mr. Myco Lemuerza as President."
"Ok. Who wants Mr. Lemuerza as President?"
President nanaman. Hindi na ko nawala sa pagiging president ng org since 4th grade elementary.
Hindi na kinailangang bilangin pa ang kamay ng gusto akong i-nominate. Almost all people inside this room wants to nominate me.
"Well, I guess we have a new president of Procube."
Procube ang pangalan ng sinalihan kong organization sa school.
"I nominate Ms. Alcantara for secretary."
Napatingin ako sa nagsalita.
Nakataas ang isang kilay nito.
Pero ..
Teka ! parang kilala ko itong baklang to ah! Si Carla?!
What the he** is he doing here?!
"Who wants to vote for Ms. Alcantara as secretary?"
BINABASA MO ANG
Irritatedly Inlove [LUYOON FANFIC:]
Teen FictionI like this story a lot . Sana lang po magustuhan nyo din ! Hehe nakukulitan kasi ako sa Characters . Viva MyCe!!! - Myco and Ice :) Happy Reading ^_^