CHAPTER 13

65 2 0
                                    

MYCO'S POV

"Salamat Tol, sa pag tanggal mo sa matigas kong muta. Alam mo namang nakakahiya kay Ice. Ayokong ma-Turn off sya, lalo na at first date namin to."

"Walang anuman Tol. Pero medyo namula yang mata mo, dahil sa kaka kalkal natin." Sabi ko kay Jonel.

May matigas na muta kasi si Jonel sa kaliwang mata. Hirap matanggal eh! Ayaw pa sana nyang lagyan ng tubig ang mukha nya para lumambot at dumulas ang muta nya ng sa ganon ay madaling makuha. Ang arte kasi nya. Ayaw ipabasa ng tubig dahil kaka-pulbos lang daw nya.

Nang lumabas kami ng CR, sa hallway papuntang exit na namin nakita si Ice.

"Sorry Ice kung natagalan ako ha."

"O-okay lang Jonel."

Bakit parang kinakabahan si Ice? First time ba nyang makipag Date?

"So tara?"

Namumutla si Ice ahh. May sakit kaya sya?

"Ahhh Jonel , anu kasi..."

Ano????

"Anu kasi ..." ulit ni Ice.

Ano nga???

Palipat lipat ang tingin ni Ice sa amin ni Jonel.

"Sumama kasi ang pakiramdam ko. Maybe sa iba ka nalang makipag date today."

Makahulugan ang salitang binitiwan ni Ice.

"What do you mean sa iba makipag date?" Kunot noong tanong ni Jonel.

Wawa naman tong tropa ko, mukhang ma rereject agad. Hehe

Eh bat parang masaya pa ako para sa katropa ko? Hehe siguro dahil mabuti narin para hindi sya mapalapit sa hindi mabuting babae.

Inakbayan ko si Jonel bilang pakikipag simpatya sa rejection ni Ice.

"Ahhhhm I mean, sa iba ka nalang makipag date. . Baka kasi ... may iba kapang gustong maka-date... like, ahhmm yung tropa mo or kahit sino bukod sakin." Sabi ni Ice kay Jonel pero patingin-tingin din nyang sabi sakin.

"Ice mukha namang ayaw mo talaga akong makadate. Hindi naba talaga mag babago ang isip mo?"

"Hindi ko lang talaga kasi ugaling makipag date Jonel. S-sana maintindihan mo. Maybe pag gusto ko ng makipag date, dont worry youll be the first guy that I run to." medyo nahihiyang sabi ni Ice.

"Sana nga Ice. At sana din hindi mo ako ngayon pinaasa. Grabe, sobra akong nag tatampo sayo ngayon. Ganyan ka pala kasama. Sana natuluyan ka nalang na-rape eh. I hate you!"

Oh Jonel baka maniwala si Ice at bigla nalang umiyak.

Lumabi si Ice. Ang cute nya.

Huh? Anung cute doon? Hehe

"Sorry..."

"Hahaha joke lang. Libre nalang kita ng tokneneng dyan sa labasan.  

PLEASE????..."

"Hehe ok lang ba Myco?"

Huh? Eh bakit ako ang tinatanong nito?

"Kayo nalang."

Tatalikuran ko na sana sila ng bigla itong mag salita.

"Are you jelous?" nakangiting tanong ni Ice.

Napakunot noo ko.

"Lets go." Pag payag ko nalang at hindi na ko nag tanong kung anong ibig nyang sabihin sa tanong na yon.

Irritatedly Inlove [LUYOON FANFIC:]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon