CHAPTER 11

71 2 0
                                    

After 1Month.

MYCO'S POV

Hindi nakapag tatakang famous si Unice sa school. Maging ang fashion style nito ay ginagaya ng karamihan.

Hindi ko maitatanggi na napaka ganda ng ginawa nyang design noon sa event.

Ano nga kayang problema ng isang yun? Bakit ang init lagi ng ulo? Hindi kaya, lagi itong may sanib?

Kahit gaano pa sya kaganda sa paningin ko, I totally hate her!

"Unice.."

At lumapit sa akin si Unice.

"Die!"

Umaktong patay ito.

Tapos hinimas ko ang ulo.

"Good dog. Good girl. Good Unice."

Nakakatuwa tong chuahua ko, andami ng alam na tricks.

-

Sa School.

Habang binabasa ko ang poster ng Programming Contest.

"Myco, sali tayo Tol." Aya sakin ni Jonel.

"Tsk. Ayoko Tol, hindi ako interesado eh."

"Ikaw ang magaling sa Programming eh. Sige na naman oh. May price kasi para sa mananalo. Haha sasali din ako. Kapag ako ang nanalo, at ikaw talo, hati tayo sa makukuha nating price. Ganun din kapag ikaw naman ang nanalo, syempre hati tayo sa premyo mo."

"Haha astig yang idea mo ha. Kala mo naman sure kang mananalo ang isa sa atin. Eh for all level to oh! Maraming malulupet na senior ang pwede nating makalaban."

"Haha pandagdag lang sana sa budget ko pang date namin ni Ice eh."

"Ahhhhhhhh un naman pala. .

huh?

Inaya mo makipag date si Ice?!"

"Haha gulat ka? hindi. Aayain ko palang. Pero malakas naman ang kutob ko na papayag sya."

"Ahhhh kung ganon, goodluck Tol."

"Oh ano Tol, sali tayo?"

" Sige nalang."

"Ayos Tol! Galingan natin ha! Hhehe"

"Sure ....."

Ayos din tong si Jonel ahh lakas ng fighting spirit!

Nang iwan ako ni Jonel, may humagod sa likod ko.

"Hello Sis Myco."

Hanggang dito ba naman?

"Tantanan mo nalang ako pwede ba?"

"Oh? Haha takot ka bang ibluetooth ko na kalahi kita?"

"Mapapatay na talaga kita!" Sigaw ko sa kanya.

"Haha eh bat ganyan ka makaasta ngayon, para kang true Fafa?!"

Hanggat maari, ayoko talagang patulan ang isang to.

"Umayos ka! Wag kang echusera!" Sabi ko sakanya.

-_-

Kahit kaylan, walang nagawang mabuti tong baklang tikbalang na to.

"Tsk tsk. Bakit ba galit na galit ka sa mga kalahi mo? Pero lam mo, sayang ka." Sabi nya sakin habang

pinadaanan ng kamay nya ang dibdib ko habang papalayo na.

Irritatedly Inlove [LUYOON FANFIC:]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon