CHAPTER 16

45 2 0
                                    

Eto nanaman po tayo sa pagiging alalay ni Myco slash mauuto slash favorite pag tripan slash binubully and slash secret keeper.

Hoy Myco, kung masama lang talaga ang ugali ko, isusumbong na kita sa magulang mo ehh..haha hindi nga pala kame close ng fam nya.

"Pwede namang si nanay norma mo nalang ang mag paligo dyan ah bakit kailangan ako?" pag mamaktol ko.

"Wala si nanay. Hindi din pwede si tatay Rodrigo dahil allergy sya sa aso."

"Tseh! Tamang trip ka nanaman sakin kaya ako naisipan mo. by the way, hindi ko pa nga pala alam name nyang chuahua mo."

Tahimik lang si Myco.

Tahimik

Tahimik

"Myco ano nga? May kausap ba ako?" Sabi ko habang nag aayos ng mga gagamitin sa pag papaligo sa chuahua nya.

"She's irritating stubborn so I named her Unice."

"Hehe ang ganda naman pala ng pangalan, parang pangalan ko"

O___O pangalan ko!? Kapangalan ko? Aso mo? Seryoso ka?

Ngumiti lang si Myco nung biglang nawala ang ngiti ko.

Relax Ice. Hindi naman siguro nya sinadyang ipangalan sayo ang aso nya.

"Myco, marami namang magandang pangalan na pwedeng maibigay sa kanya bakit Unice pa?"

"Tss.. Ive said that shes irritating stubborn so I called her Unice and that suits her."

Sa inis ko naibato ko ang hawak kong sabon kay Myco.

"Damn!!" Sigaw ni Myco.

Oh-Oh Natamaan ko ang mata ni Myco! Hindi ko sadya.

Dali dali akong lumapit sa hose ng tubig at binuksan!

"Ahhhhhhh!! Damn you! Stop it!" Sigaw ni Myco. Para kasi syang nalulunod dahil sa pag tapat ko ng tubig sa muka nya.

Ikaw na nga tinutulungan ehh.. Sorry na nataranta lang naman ako Myco.

Tapos inilapag ko na ang hawak kong hose.

Lumapit sakin si Myco na hawak parin nya ang kaliwa nyang mata.

"Dahan dahan, ok?" Sabi nya. Naapektohan ba ang pandinig ko? Para kasi syang nag uutos na batang nag lalambing.

"O-ok." Tapos tinapat ko sa muka nya yung hose. But this time sa paraang ingat na ingat na ako.

*___*

"Myco.." sambit ko..

Hindi ko alam kung bakit lumabas nalang ang pangalan nya sa bibig ko.

Parang ang lahat ay nag slomo.. Kakaibang Myco ang nakikita ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag. But theres one word that meets the description..He is now a Graceful Myco.. na kaaya aya sa mata.

"What!?" Naiinis na tanong nya.

Parang kanina lang ang lambing ng dating ng boses nya. Ang sarap pakinggan :(

"Ok kana?"

"Yeah right. Thanks to you." with a sarcastic tone.

"Sorry.." sabi ko sa mababang tono.

Tapos na nyang hilamusan ang mata nya.

"Whatever murderer." walang gana nyang sagot.

"O__O murderer? agad agad?"

Tapos tumalikod na sya.

"Paliguan mo nalang si UNICE." utos nya.

Huhu hindi ko matanggap na ang isang katokayo ko ay itong aso nya. Ang ganda ko kayang witch!

Irritatedly Inlove [LUYOON FANFIC:]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon