CHAPTER 8 Pagkilatis kay Julio

18 0 0
                                    

"Hoy Danny halika at tuturuan kitang mag shampoo ng buhok para kung maraming customer e matutulungan mo ako." sabi ni Julie.
"Sige nga Danny, dagdag kaalaman din yan, kapag dumating si Angelika mamaya e tuturuan ko namang mag ayos ng kilay." sabi naman ni Juniora.
"E kaninong kilay naman ang aayusin Mama? tanong ni Julie.
"Makapal na ang kilay mo Julio, wag kang mag alala at matalinong bata yang si Angelika, at gaganda yan dahil ako ang magtuturo." confident na sabi ng matanda. Humarap si Julie sa salamin at tinignan ang kanyang mga kilay, hindi na kumibo dahil nakumbinsing makapal na nga siguro ang kanyang alagang alagang eyebrows. Pinaupo ni Julie si Danny sa upuang may lababo.
"Sandali akala ko ba tuturuan mo ako, bat ako ang nakaupo dito?" tanong ni Danny.
"Basta pakirandaman mo ang gagawin ko. Kabisaduhin mo ang bawat hagod ng aking mga kamay. Ano ready ka na?" sinimulan nang basain ni Julie ang buhok ni Danny nang dumating si Angelika sa parlor.
"Aha, bakit ka nagpapa shampoo? Kailangang singilin yan ha, walang libre libre dito." asar nitong sabi kay Danny sabay pitik sa tenga.
"Heh hwag kang maingay at nawawala ang concentration ko, umupo ka dyan at ihanda mo ang sarili mo dahil mamaya ikaw naman." sagot ni Danny.
"Anong ako naman, kaliligo ko lang, nasaan si Tita?
"Nasa kwarto, lalabas na yun. Ang ibig sabihin ni Danny ay humanda ka dahil tuturuan ka ni Mama kung paano mag ayos ng kilay." sabat ni Julie. Napanganga si Angelica.
"E kaninong kilay ang aayusin, ang sisirain ko pala? sabi ni Angelica.
"Sa akin, kaya dapat pag butihan mo ha." naiiyak na sabi ni Julie sa kanya. Natapos ang shampoohan at tinuruan naman si Danny kung paano patutuyuin ang buhok, nag enjoy naman silang dalawa.
"O nandito na pala si Angela, ready ka na ba Julie? tanong ni Juniorang palabas ng kwarto. Tinignan ulit ni Julie ang kilay sa salamin.
"Mama, palagay ko ay okey pa ang aking mga kilay."
"Hwag kang mag alala, akong bahala. Halika na Iha." tumayo si Angelika at hinintay na mahiga si Julie sa silyang natutumba. Halatang asiwa si Angelika nang magsimula, hindi naman mapakali si Julie sa pag kakaupo, panay ang bukas ng mga mata.
"Hwag ka masyadong malikot, ang dali lang pala." mukhang nasarapan naman si Angelika sa ginagawa, nakalabas pa ang dila nito.
"O tapos na dyan, sa kabila naman. O kita mo maganda, sandali may kukunin lang ako." iniwan ni Juniora si Angelika na sinisimulan nang gawin ang kabilang kilay ni Julie.
"Yan tapos na." mabilis na tumayo si Julie para i check ang ginawa ni Angelika. Nagulat ang lahat nang.
"Waaaahhh! hindi pantay, mataas ang isa." ang palahaw na sabi ng batang bading.
"Anong ginawa mo? Hindi pantay, Mama ...Mama." naiiyak na sumbong nito kay Juniora na pinipigil ang tawa Tinakpan naman ni Danny ng unan ang mukha sa kakatawa dahil ayaw ipakita kay Angelika na panay naman ang pag so sorry. Tsineck ni Juniora ang mga kilay ni Julie.
"Hindi ko na ito maaayos dahil sumobra ang bunot sa ibabang parte, bayaan mo tutubo rin yan."
"Waaah, nasira ang beauty ko ...waaah ..." iyak ni Julie. Binalikan siya ng matanda.
"Halika lapisan na lang natin."
"Yan, hindi na halata, kita mo. Ganon talaga, nag aaral ang bata e, halika manicure naman." sabi ni Juniora kay Angelika.
"Kaninong mga kamay naman?" ang nanlalaking mga matang tanong ni Julie.
"Kanino pa." sabay turo sa kanya ng matandang bading.
"Wahhh, sabay takbo nito palabas ng parlor.
"Mamaya na ako babalik, mag memerienda muna ako." sabi nito habang mabilis na lumayo. Tawa naman ng tawa ang tatlo sa loob ng parlor.
"Naku baka nagalit sa akin si Julie Tita." nag aalalang sabi ni Angelika sa matanda.
"Ngayon ko nasubok na mabait pala talaga yang si Julie. Kung iba iyon e aawayin na tayo, may tiwala na ako sa bading na yan. Dyan mo kasi mate test ang pasensya ng tao, tignan natin pag balik nya." sabi ng matanda.
"Ibig sabihin e sinadya nyo yun talaga?" tanong naman ni Danny.
"Oong hinde, kasi kung wala siyang tiwala sa akin at kay Angelika ay hindi siya papayag, yun ang una. Pangalawa ...
nakontrol niya ang sarili nang makita yung kanyang kilay. Pasensya at tiwala ang dalawang katangiang maganda sa tao, tignan nyo pagbalik nyan e matatawa pa siya sa nangyari, pustahan.
"Ang galing nyo palang kumilatis ng tao Tita." bilib na sabi ni Angelica.
"Kasi sabi nyo kung pwede siyang tumira dito sa bahay ko di ba? pasensya siya dahil kailangan ko syang makilala talaga." nakangiting sabi ni Juniora sa dalawa.
"Tawagin nyo ako pag padating na siya." pumasok ito sa kanyang kwarto. Hindi nagtagal ay dumating na si Julie, may dala dalang supot, kinatok ni Angelica ang kwarto ni Juniora.
"O bumili ako ng bananaque, nasalubong ko yung dati kong kliyente at pupunta daw siya dito. Lumabas si Juniora galing kwarto nakatingin kay Julie, nakatingin din si Julie sa kanya.
"Mama kalimutan mo na muna ang training, ayokong mang gupit na namamaga ang aking mga daliri." natatawa nitong pagmamakaawa sa matanda. Nakatawang tumingin si Juniora sa dalawang bata, tumawa ito ng malakas na ikinahawa ng lahat. Kumumpas ang nakaturong mga daliri ng matanda na parang nagsasabing kita nyo na ...kita nyo na at bumalik ito ulit sa loob ng kanyang kwarto.
"Malalim pala itong matandang ito." ang nasa isip ni Danny.

Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon