Chapter 15 Jeling Kanino

15 0 0
                                    

"Ang gagaling nung mga sumali, pero hindi yung gusto ko ang nanalo, di ba Danny?" ang tanong ni Angelika kay Danny na tahimik na nakaupo lang sa dulo ng sofa. Nagkatinginan ang tatlo nang hindi umimik si Danny. Nginitian lang sila ng binata. Tumayo si Juniora at pasimpleng lumapit kay Julie at bumulong.
"Ano bang nangyayari dyan sa batang iyan, hindi naman ganyan yan kanina." ang nag aalalang tanong ng matanda sa beautician.
"Hindi ko alam Mama, nakita kong kausap nung mga lalake sa Mall kasama si Angelika kanina. Gano'n lang tapos umuwi na nga kami." ang sagot ni Julie. Nilapitan ni Juniora si Danny at umupo sa tabi nito.
"May problema ka ba Iho? ang tanong ng matanda.
"Ho? wala ho, medyo napagod lang ako. Bakit n'yo naman naitanong?"
"Wala naman, hindi lang kasi ako sanay na tahimik ka. O sige ubusin mo na yang kinakain mo tapos ay magpahinga ka na. Baka mabinat ka, mahirap na."
"Oho, uuwi muna ako ng bahay. Angelika uuwi na ako, sasama ka ba? ang tanong ni Danny sa kaibigan.
"Sandali, sasama ako, ihahatid kita sa inyo. Nagpaalam na ang dalawa at bago pa makapasok si Danny ay hinarang siya ni Angelika.
"Nag selos ka ba?" ang seryosong tanong ng dalaga sa kanya. Hinawakan ni Danny ang mukha ng kaibigan at nagsalita sa harap nito.
"Hinde, napagod lang talaga ako. O paano ihahatid na kita sa inyo."
"Ano ka ba, ako nga ang naghatid sa iyo dito tapos ihahatid mo ako. Sige na uuwi na rin ako, at hwag kang mag seselos dahil hindi ko type yung lokong iyon." ang nakangiting sabi ni Angelika. Pumasok ng bahay si Danny at nag ayos ng sarili para magpahinga, humiga siya sa kama at matagal na nakatingin sa kisame ng kanilang bahay, nag iisip.
"Bakit kaya ako ganito? Nagselos nga kaya ako, pero kanino sa kanila?" at hindi nagtagal at nakatulog na ang binata.
Kinabukasan may buena manong customer ang parlor, masayang sinalubong ni Julie ang mga ito.
"Angelika magpapaayos ba kayo?" ang tanong ng bading. Nanduon din si Juniora na napatayo din sa pagkakaupo upang salubungin sina Angelika at ang kasama.
"Oo Julie, kasama ko ang Nanay ko. Ma... si Julie at si Tita Juniora." ang pakilala ng dalaga..
"Kumusta po kayo?" pinaupo ni Julie ang nanay ni Angelika at sinimulan itong ayusan at nang matapos ay nagsabi si Angelika sa kanyang magulang.
"Ma dito muna ako ha, makikipag kwentuhan lang ako kanila Julie." pinayagan naman ng matanda ang anak. Inihatid muna ni Angelika ang Ina at bumalik sa beauty parlor. Pagpasok niya ay walang tao, nasa kani kanilang silid ang dalawang bading. Maya maya lang ay lumabas si Julie galing kwarto na may buhat buhat.
"Wow, kaninong TV yan? portable ah, ang cute." ang tanong ni Angelika.
"Sa akin ito, matagal na ito sa akin. Subukan natin nang makapanuod tayo. Pero sandali, magpapaalam muna ako kay Mama." kumatok si Julie sa kwarto ni Juniora at nagpaalam kung pwedeng gamitin ang maliit na TV, lumabas ang matanda ng kwarto at sinilip ang sinabi ng beautician.
"Sige nga, tignan natin kung makakasagap tayo ng channel, may kurdon ng antenna dyan sa dingding, subukan mong ikabit. Ang tagal nang hindi nagamit nyan." itinuro ng matanda ang linya ng antenna na ikinabit naman kaagad ni Julie sa likuran ng kanyang portable TV set.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon