Chapter 2 Ay, Walang Kilay

131 0 0
                                    

    Ilang taon pa ang lumipas, siyam na taon na ang batang lalake at dalagita na ang  pinakamatanda sa mag kakapatid. Maganda pa rin ang takbo ng tindahan ng mag asawa, nadagdagan pa nga ang kanilang negosyo ng mineral water na naka pwesto sa lugar na hindi kalayuan sa kanilang bahay.

  Hindi naka ugalian ng magkakapatid na maglaro sa kalsada, lalo na pag uwi galing sa eskwela. Sila sila lang na magkakapatid ang naglalaro sa loob ng kanilang bahay. Dahil babae lahat ng kapatid ay puro larong babae ang nakagisnan ng batang lalake na pinangalanang Danny. Tahimik itong bata at hindi makulit, napakasinop pa sa mga gamit lalo na sa mga laruan. Minsan nadaanan ito ni Larry habang abalang naglalaro. Napatigil ang Ama sa nakita. Nilapitan ang asawa.

   “Jenny, tignan mo nga ang anak mo, nasaan ba ang mga laruang binili natin sa kanya? Itinigil ni Jenny ang ginagawa at saka lumapit sa anak.

   ”Ano yang nilalaro mo Danny, sa mga Ate mo yan ah, baka mapagalitan ka nung mga iyon dahil pinapakialaman mo ang mga gamit nila.” Tumayo si Danny at ibinalik sa pinagkuhanan ang mga laruan. Binalikan ng Ina ang ginagawa, nakatingin sa kanya ang asawa.

   “Bata yun ano, ano na naman ang iniisip mo dyan.” sabi ni Jenny sa napapangiting asawa. Lumakad ito at sinimulang ayusin ang mga paninda sa tindahan.

   “Sabagay ganon din daw ako sabi ng Nanay ko, pero sana huwag naman. Naku ano ba tong pinag iiisip ko.” sabi ni Larry. Lumapit at yumakap ito sa asawa tapos ay nagpaalam para pumunta sa isa pa nilang tindahan.

   Naiiwan madalas si Danny para magbantay sa tindahan. Mas maraming customer sa kabila kaya pati mga kapatid ay duon na rin naglalagi sa araw araw. Kabisado na niya ang bawat paninda pati na ang pag susukli kung kinakailangan. Safe naman dahil estante at napapaligiran ng screen ang sari sari store, may maliit lang itong butas na gamit para maiabot sa mga customers ang mga bibilhin. Isang araw kakauwi pa lang niya galing sa paaralan at naghahanda para gawin ang assignment ay kinausap siya ng magulang.

  “O Danny dyan ka muna, bantayan mong mabuti ang tindahan ha, kung may kailangan ka e gamitin mo yang two way radio, marunong ka naman nyan di ba?”

   “Opo, matagal ko nang ginagamit ito. Syanga pala Nay pupunta dito yung kaibigan ko mamaya.”

   “Okey, dito lang kayo sa bahay, sino ba sa mga kaibigan mo?”

   “Si Angelika po, magpapaturo ako sa kanya ng araling panlipunan, may assignment kasi kami.

   “Sige, mabuti na rin at may kasama ka dito.”

   “Mabuti nga po, palagi na lang akong bantay dito sa tindahan, pero okey lang naman dahil nakapag lalaro naman ako ng video games kasama si Angelika.”

   “Mag aaral din ha.” hinalikan siya ng Ina tapos ay umalis na.

   Dumilim ang kalangitan at nagsimulang umambon. Pumasok si Danny sa kwarto para may kunin na kung ano nang...

   “Pabili” may kumatok sa tindahan na agad namang narinig ni Danny, mabilis niyang hinarap ito.

   “Ano po iyon? itinuro ng bibili ang gusto na siya namang ibinigay ni Danny. Mabilis na tumalikod ang customer at nakamasid na sinundan ito ng tingin ni Danny hanggang makarating sa kanyang bahay. Hindi niya dati napapansin ang lumang bahay na kaharap lang ng kanilang tindahan. Parang ngayon lang nya nakita ang bumili. Lumapit siya sa bintana sinilip pa ulit ng matagal ang  bahay sa tapat, nang biglang.

   “Boo.” ginulat siya ng isang kasing edarang babae.

  “Ano ba yan, ginulat mo naman ako, halika pasok.” Pinapasok niya ang babae habang sapo ng mga kamay ang dibdib. Si Angelika ang dumating, best friend ni Danny.

Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon