“Ang halaman ko, anong nangyari? napalunok si Danny dahil ngayon lang niya nakaharap ang taong misteryoso sa nakalipas na mga taon.
”Binato po nung mga estudyante, nakita ko po kaya inaayos ko.”
Biglang nabago ang mukha ng may ari ng bahay, nakatabingi pa nga ang buhok nito na alam naman ni Danny na wig lang. Ngumiti ang lalakeng boses babae.
“Ikaw si .... ano nga bang pangalan mo Iho. Anak ka ni Jenny di ba. dyan sa harap?
”Danny po. Opo anak po ako ng nanay ko, ay ni Jenny pala.”
“Ang laki mo na, salamat ha.” nangingiti ito habang pinagmamasdan si Danny na ibinabalik pa rin ang lupa sa paso.
“Ang dumi na ng kamay mo, halika at maghugas ka sa loob.” nagdadalawang isip pa siyang pumasok sa bahay pero tumuloy na rin. Napansin niya ang luma pero maayos na salas ni Juniora. Nakita rin niya ang mga lumang upuan at gamit pang parlor sa loob pati na ang malaking salamin sa harapan. Nagpunta siya sa lababo at naghugas ng mga kamay. “High school ka na ano? Ilang taon ka na ba?” tanong nito habang lumalakad ng mabagal. Luminga linga si Danny, madaming pictures na nakasabit sa dingding ng bahay.
“Opo, seventeen na ho. Kayo po ba ito?”
“Oo, yan ako nung araw, nung nagdadalaga pa lang ako.” sabay tawa nito. Napangiti si Danny.
“Nag iisa lang ho kayo dito sa bahay nyo? tanong niya.
”Oo. sabay tango ni Juniora. Tinignan mabuti ni Danny ang matandang bakla. Humahawak na ito sa mga upuan kung maglakad.
“Wala ho kayong kamag anak, hindi ho ba kayo nahihirapang nag iisa?”
“Sanay na ako, matagal na akong nag iisa sa buhay. Nung araw e marami akong kaibigan, nag papasyal sila dito, kaya lang e namatay na yung iba. At yung iba naman e lumipat na, anong nga palang gusto mo? magkape ka muna."
”Ay hindi na po, hinihintay na siguro ako sa bahay, ako po kasi ang bantay sa tindahan sa hapon.”
“A ganon ba? O sige, kung gusto mong mag punta dito e open ang bahay ko sa iyo.” nakangiting sabi ng matanda. At umalis na si Danny.
“O na late ka yata anak?" tanong ng ina pag pasok nya ng bahay. Pagtapos magmano ay naupo si Danny sa sofa.
”Hindi naman pala nakakatakot, mabait naman pala. Kaya lang nakakaawa dahil nag iisa.” sani niya sa sarili.
Isang araw habang siya ay nag aaral sa loob ng tindahan.
“Pabili.” natigil ang pag susulat ni Danny nang tignan ang bibili. Bigla siyang naasiwa ng makita kung sino ito. Para siyang kinakabahan habang nakatayo sa labas ng tindahan ang lalaking palagi niyang nakikita sa eskwelahan.
“Sa Asistio ka rin nag aaral di ba?” tanong nito sa kanya habang ibinibigay ang bayad sa binili.
“Oo.” hindi makatingin niyang sagot.
“Sige thank you.” sabi ni Greg sabay alis, sinundan pa ni Danny ng tingin ang lalake habang palayo na parang kinikilig. Hindi niya alam na nasa bintana rin si Juniora, nakasilip.
Dumating ang summer vacation at dahil sa walang pasok ay dumalas pa ang pag babantay ni Danny sa tindahan. Buong araw na siyang tumatao doon, palagi pa rin siyang pinupuntahan ng kaibigang si Angelika, palagi siyang sinasamahan nito sa kanilang bahay kapag nag iisa. Isang hapon nakita niyang nagdidilig ng halaman ang matanda, tumingin ito sa kanya saka kumaway, kinawayan niya rin ito. Bumaba ang matanda sa hagdan at lumakad palapit sa tindahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/14853705-288-k404762.jpg)
BINABASA MO ANG
Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.
RomanceA story about an unconditional love and affection. A boy trying to find his real self in order to express his feelings to his childhood friend. A few self published books are already in circulation (Hard copy) LIKE IT AT: https://www.facebook.com/pa...