Chapter 1 Bahay Bata

250 0 0
                                    

 Simulan natin ang kwento sa Caloocan City, maraming tao at sasakyan ang nasa compound ng Our Lady Of Grace Church. Ilang sandali pa ay masayang papalakpakan at sigawan ng mga taong palabas ng simbahan ang maririnig dahil papalabas na ang bagong ikinasal. Sumakay sila ng magarang sasakyan habang ang mga tao naman ay panay ang hagis ng bulaklak sa kanilang daraanan.

   “Sa wakas opisyal na rin, Misis na kita, kailangang gumawa ng bata sa madaling panahon, Halina giliw, tayo na at mag pakarami.” ang  sabi ng lalake sa asawa na tawa ng tawa. Nag start siya ng sasakyan at tumuloy sa reception. Syempre kinagabihan ay naituloy ng ating mga bagong kasal ang kanilang pulot gata. Tawagin natin sila sa pangalang Larry at Jennie.

   “Sweet heart, anong gusto mong anak, babae o lalake?”

   “Kahit ano Babe, basta ba malusog at kumpleto ang mga daliri, dapat normal at malusog.” sabi ni Larry.

   Lumipas ang panahon at naiba na ang ating eksena, mabilis na itinutulak ni Larry at ng mga nurse ang kamang kinalulunanan ni Jennie dahil kabuwanan at manganganak na. Nailuwal ang una nilang anak, isang malusog na babae, tuwang tuwa si Larry lalo na si Jenny nang makaraos ito sa unang panganganak. Tatlong taon lang ang nakalipas ay nasundan pa ito ng dalawa. Mabilis lumaki ang mga bata, at dahil mayroon silang tindahan sa ibaba ng kanilang bahay ay naitataguyod naman ni Larry ang mag iina. Doon laki si Larry kaya halos lahat ng tao ay kanilang kakilala. Isang umaga habang pina aarawan ni Jenny ang mga bata ay may bumati sa kanila.

   “Uy ang gaganda naman ng mga Prinsesa, Jenny kumusta ka na? sabi ng kapit bahay.

   ”Ayos naman Juniora, kumusta ang negosyo?

   “Okey naman at nakakaraos.” nakangiting sabi ng may katandaan nang beautician sa parlor na nasa tapat lang ng kanilang bahay. Siya ang may ari ng beauty shop na kilalang nag seserbisyo sa kanilang lugar.

   “Madami na kami ngayon, hindi katulad nung 80’s, ako lang yata dito sa ating baranggay. Well ganon talaga Tita, kailangang sumabay sa mga baklang bagets ngayon.” sabi nito kay Jenny. Pumasok ito sa loob ng maliit na parlor na kung saan din siya nakatira. Namumuhay lang si Juniorang mag isa sa dalawang palapag na istraktura noong mga panahong iyon. Palaging masaya ang parlor dahil tambayan ito ng kapwa bading na barka barkada. Ilang sandali lang  ay lumabas si Juniora na may dalang lagadera.

   “Hindi ko na nadidiligan ang mga halaman ko, mga kawawa naman. Oy Jenny hindi ba kayo gagawa ng prinsipe, puro prinsesa na yan, iba din ang meron lalakeng kapatid, bata ka pa.”

   “Iyan nga ang dahilan kaya naging tatlo ito eh, pero susubok pa kami ng isa. Kung magiging babae ulit e okey lang, masaya pa rin.” nakangiting sagot ni Jenny kay Juniora. Umupo ang bading sa tabi ni Jenny, nakatingin sa mga bata. Hinagod hagod ang buhok ng pinakabunsong babae.

   “Anong pakiramdam ng maging ina, ang sarap siguro ano? ”Syempre masaya.” sagot ni Jenny na nakatitig kay Juniora na halatangmalungkot ang mga mata.

   “Alam mo kung kaya ko lang na magkaroon ng bata sa aking sinapupunan e marami na siguro akong anak, mahilig din ako sa children. Kaya lang wala akong bahay bata, ano ba yan.” sabay tawa nito.

   “Pwede ka namang umampon.”

   “Ay naku, gusto ko kadugo ko, Dami kong kilalang nagsisi dahil genetic daw talaga ang ugali ng tao, mahirap ipaliwanag pero sabi nila tutoo, kaya hwag na lang.”

“Alam mo, naniniwala din ako dyan. Bayaan mo igagawa kita, anong gusto mo babae o lalake?” biro ni Jenny.

   “Lalake ang gusto ko, palalakihin kong magalang sa mga matatanda, babae man o bakla. Daming bastos na mga lalake ngayon, kahit anong edad. Dyos ko.” nakasimangot na sabi ni Juniora.

    “Tama ka dyan Tita.” dagdag ni Jenny.

   “Eto naman kasing mga bagong bakla, ang chi cheap, kaya bastusin. Sige pasok na ako sa loob, magbubukas na ang palasyo.” Tumayo si Juniora at binuksan ang parlor.

   Mabilis lumipas ang panahon, limang taon na ang panganay ng mag asawa, nandun ulit si Jenny sa lugar na maganda ang araw sa umaga kasama ang mga anak.

   “Naka lalake ka rin, Congratulations.!” bati ulit ni Juniora kay Jenny.

   “Salamat, naka dale rin, Titigil na kami, apat na ito.”  At katulad ng dati matapos ang mahaba habang kwentuhan ay nagbukas na ng parlor si Juniora  at iniwan na ang mag iina.

   Isang araw nakatitig si Larry sa anak na lalake habang inaalagaan. Pinagmamasdang mabuti ang nag iinat na bata.

   “Ano ba itong anak mo, napakalantik ng mga daliri.” sabi sa asawa na dagli namang sinilip ni Jenny ang sanggol sa kama.

   “Ganyan talaga, malambot pa ang mga buto nyan sa daliri.” tumayo si Larry, nagbihis at lumabas ng bahay, si Jenny naman ang nagpatuloy sa pagbabantay sa anak  habang tumatao sa tindahan.

Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon