“Sa itaas tayo, meron ding TV duon yaya ni Danny. Nanuod sila ng DVD, hapon na nang matapos. Napadako ulit ang mga mata ni Danny sa bintanang gamit sa panunubok kay Juniora. Sumilip siya para makita kung ano ang ginagawa ng matanda. Nagulat siya ng makitang umiiyak ito.
”Angelika, tignan mo." Sumilip din ang dalagita.
“Nag iisa lang kasi siya sa bahay, kahit sino ay malulungkot. Puntahan kaya natin ulit.” Umiling si Danny.
“Hwag na, sa ibang araw naman.”
Kinabukasan ay maagang dumating si Angelika, papaalis na ang mga magulang ni Danny kasama ulit ang aso at mga kapatid.
“Danny pag alis ng Ate mo ay pwede mo munang isara ang tindahan. Okey lang kung gusto nyong mag lakwatsa ni Angelika.” inabutan siya ng pera ng Ina.
“Salamat Nay, kung umalis man ho kami e hindi naman malayo, dyan lang kami sa kabilang bahay.”
“O sige, dalhin mo na lang yang two way radio, o sige na.” Nang sila na lang ni Angelika ay may ideang naisip si Danny.
“Samahan mo ako mamaya duon sa hiraman ng DVD, kukuha ako para makanuod tayo.” yaya niya sa kaibigan.
“Sige tapos pasyal tayo ulit kay Tita Juniora.” request ni Angelica.
“Yun nga ang gagawin natin, naisip ko kasi kagabi na duon natin panunuorin ang DVD, para may kasama naman siya.
”E wala naman siyang kuryente. Paano?”
“Akong bahala, dadalhin natin ang laptop ko sa kanila. Maliligo lang ako sandali, hintayin mo ako.” Pumasok siya ng banyo at naligo.
“Danny aalis na ako, sabi ng kanyang Ate, kinindatan pa nito si Alexa bago lumabas ng bahay. Hindi naman natagalan si Danny sa paliligo at maya maya lang ay lumabas na
”Ang pogi talaga ng bestfriend ko." mapungay ang mga matang nakatingin si Angelika sa kanya. Pagka bihis ay isinara ng dalawa ang tindahan at dumiretso sa rentahan ng DVD at agad naman silang nakakita ng papanoorin.
“Siguradong magugustuhan niya ito.”
“Maganda nga yan, love story." Umuwi sila ng bahay, kumuha ng pagkain at maiinom at ilang sandali lang ay kumakatok na sila sa pinto ng matanda. Binuksan ni Juniora ang pintuan nang marinig ang sunod sunod na katok.
”Uy tuloy mga beautiful children. Ano na naman yang dala dala nyo? tanong nito ng makita ang supot na hawak ng dalawang bagets.
“Pwede po bang tumambay dito? May dala po kaming DVD, manuod po tayo ng pelikula.” kumamot ng ulo ang matanda.
“Naku Iho, wala akong kuryente dito.”
“Bakit po.” tanong ni Angelika na parang matagal na talagang gustong pakawalan ang katanungan.
“Saka ko na lang sasabihin at yung TV ko e luma na, palagay ko e hindi pwede ang DVD. Isa pa wala akong DVD player.”
“Okey lang po, dala ko ang laptop ko. Dalawang oras ang battery nito kaya makakapanood tayo. Eto yung pelikula magugustuhan nyo.” inilabas ni Danny ang DVD, excited naman itong tinignan ni Juniora.
“Maganda nga ito, paborito ko ang mga artista.” Binuksan ni Danny ang laptop at habang naghihintay ay muling nagtanong.
“Gaano na ba kayo katagal na walang kuryente Tita?”
“Matagal na, nakakahiya mang sabihin pero hindi ko kayang magbayad ... hay mahabang kwento. Sige manuod na tayo.” halatang inilalayo ng matanda ang usapan.
BINABASA MO ANG
Paminta na kung Paminta, Basta Ako Mahal Ko Sya.
RomantizmA story about an unconditional love and affection. A boy trying to find his real self in order to express his feelings to his childhood friend. A few self published books are already in circulation (Hard copy) LIKE IT AT: https://www.facebook.com/pa...