Kylie's POV
Nang nakahanap na ako ng tiyempo ay kinuha ko yung paper bag na sa tingin ko ay may lamang abubot na kung ano-ano. At hindi nga ako nagkakamali, may laman nga 'tong mga gamit pang-EMO.
*evil laugh*
Agad kong sinuot ang mga damit na 'di mo malaman kung damit ba ang tawag do'n. Sa make-up na lang talaga ang problema.
Paano ba yun?
Ehem. Eh, kasalanan ko ba kung ignorante ako sa mga ganyang bagay? May kung ano-ano pa kasing pakana sa mukha 'yang G.F. na 'yan, eh. Tanong lang, required ba na may make-up?
"Hay, Kylie! Minsan talaga umiiral ang pagkatanga mo, eh."
Hays! Paano na kaya 'to ngayon? Mukhang 'di ako makakapasok ng G.F. kuno na 'yan kung wala akong kulay-kulay sa mukha, eh. Teka, ba't ba ako nagpapakahirap mag-isip kung paano magmake-up? Kaya nga pala may internet, eh. Bwahaha! 'Buti na lang at may libre akong data.
Umupo ako sa toilet bowl ng CR. Malamang, alangan ng kusina. Okay, tama na ang echos. So back to my rant, sinearch ko nga kung paano magmake-up. Dahil limited lang ang mga pangmake-up at puro kulay black pa, nagsearch na lang ako ng steps kung paano magmukhang emo at ang mga make-ups na gagamitin.
Make-ups used:
Black mascara
Black eyeliner
Black eyeshadow
Black lipstick
Concealer (to emphasize black)For more fierce, emo look, wear contact lense.
Sinumulan ko na'ng magmake-up. Mabuti na lang at madali lang mag-apply... nung una. Pero nung dumating na sa eyeliner, pesteng lechugas na 'yan. Nagkanda-lagpas lagpas pa! Grrr. Sarap lang itapon sa kumukulong muriatic acid ng mga make-up na pang-emo na 'to, eh! Tsk!
At dahil matalino ako, siyempre, natapos na ako sa paglalagay ng mukhang-bangkay look ko. Dumiretso agad ako sa G.F. pagtapos. Bumungad agad sa'kin ang mga goons na nagbabantay sa labas. Pero gaya nga ng sabi ko, matalino talaga ako. Kung hindi mo 'yon alam, malamang galing ka sa planeta nila Darth Vader.
"Password," sabi ng mama na mukhang sinalo lahat ng muscles sa mundo.
Putspa. Kailangan pa ba no'n? Ano 'to? Cellphone? 'Pag mali-mali, PUK agad? Huhu. Juice Colored, help me.
"Ah... Eh... Ih... Oh... Uh? Hehe."
Sumimangot si koyang. Huhu. May mali ba akong sinabi? Tinry ko pa'ng manghula. Nung sinabi kong Happy Halloween, nangunot ang noo niya. Nung Merry Christmas naman, mukhang galit na si kuya. Hays. Paano na dis?
*Jimmy Neutron mode*
"Kuya..."
"Miss Gangster, nakakaistorbo ka lang. Kung pwede, umalis kana? Nakakaantala ka, eh. Mahaba pa ang pila."
Lumingon ako sa mga galit na galit na mga gangsters. *gulp* Nagpeace sign na lang ako at dahan-dahang umexit. Huhu. Sorry naman.
Dahil nga ulit na matalino ako, tinalasan ko ang pandinig ko at pinakinggan ko ang mga sinasabi nila.
"Avada Kedavra."
Ano? Abra Kadabra? Hehehe. Lagot ka sa'kin ngayon, kuya. Papapasukin mo na din ako.
"Ikaw ulit?!"
"Yes, kuya. Alam ko na ang password."
"Ano?"
Tch. Eh, diba alam naman ni kuya ang sagot? Ba't pa niya tatanungin. Kun'di ba naman isa't kalahating pagong, eh.
"Tch. Yung totoo? Hays, pero kung mapilit ka..."
BINABASA MO ANG
Shut Up Or I'll Kiss You
Teen Fiction"I love you, no matter what. I'll always stay by your side. Remember that you're my responsibility? If I had a chance to choose a girl that I will marry, I'll choose you. 'Cause you are the one who makes me happy and you are the one that I love and...