Kylie's POV
"Good morning, Dreamers!"
Tumaas ang kilay ko sa bansag ng president slash dean sa amin. Dreamers? Wala na ba silang maisip na iba? Kadiri. Ang baduy.
"Today, I have a special announcement to tell. Some of you may already know, but other's don't. So, as the president of Dream High, I therefore proclaim that section F will have transferees!" excited na pagkakasabi nito. Teka... Transferees?
*insert kulisap sounds
"Owkay? Seems like everybody already knew about it! Have a great day ahead! Hehe."
Tch. Huli na yata sa balita ang dean namin at ang buong akala niya ay walang nakakaalam. Eh, trending na nga sa private blog ng school yung tungkol do'n, eh. Bahala sila. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Dahil sa oras na kantiin nila ako, ipapatapon ko sila sa Dead Sea.
"Oh em! Graveh kana talaga, girl. Sayang nga lang at 'di pa sa section E ka napunta ng maging mag classmates tayo, 'diba! But, I'm happy because you are entering them!"
Napatingin naman sa kanya ang mga tao. Napa-face palm na lang ako. Kahit kailan talaga. Tch.
"Oh, ano'ng nilu-look-look niyo d'yan?" mataray niyang tanong.
Nagsipag-iwas naman ng mga tingin ang mga tao. Tsk, tsk, tsk. Mahirap talaga 'pag trying hard.
"By the way, bakit nga ba ikaw ang napili? You was not ask dean? Or you forget to ask the about that?" magulo niyang pagsasalita. Manonosebleed ako sa kanya, eh. Hindi dahil sa fluent siya sa English kun'di dahil sa napakagaling niyang grammar. Mark the sarcasm.
(=____= )>
"Ewan. Tatanungin ko na lang siya 'pagtapos ng klase," sabi ko at nagkibit-balikat.
*Ringggg
'Wag ka, sound effects 'yan. Nakakainis, doon na agad ang diretso ko.
"Oh, babushky na Kylie dear! Let's meet at Cafeteria later nine!" Bineso niya ako at niyakap pa. Kadiri. Tch.
At dahil may klase na, dumiretso ako sa section F. Malamang, dito na ako nagtransfer, eh. Ano ba kasi'ng mapapala ko sa pagtransfer dito? Nakakainis lang, ang daming pakana ni dean. Yung kalbong 'yon talaga. Kung ano'ng maisipan, gagawin.
"Good morning class!" bati ng teacher ng dumating siya sa room na papasukan ko. Nauna siya sa'kin nang kaunti kaya ang ending, nauna siyang pumasok.
Mukhang walang pumapansin sa kanya at mas lalo lang umingay ang buong section. Yung totoo? Classroom ba o palengke ang napuntahan ko?
"I said, good morning class!" Waepek pa din ang pagsigaw niya. Wala talagang nakikinig, eh. Chismis dito, tulog do'n basta, kanya-kanya sila ng ginagawa.
"Class, be quiet!" sigaw ng president yata nila 'yon. In fairness, maputi siya. Mukha naman siyang matino saka, matalino pero, bakit nasa section F siya?
Nagsitahimik naman ang mga ungas. Takot pala sa president 'di sa teacher. Eh, kung ganyan nga naman kaganda ang mananaway sa'kin, eh talagang tatahimik ako.
"Good morning, section F. As you already know, may mga magtratransfer sa section niyo na galing sa first section o ang section A. Please be nice to them," sabi nito at nag give way para sa'kin o let's say... Para sa'min?
"Sana mga chix yung magtratransfer. Balita ko, madami daw hot chix at magagandang geeks sa section A, eh." -echoserong mukhang palaka
"Oo nga. Masaya kung may matalino din na magtratransfer! Wala na tayong problema sa quiz, homeworks at seatworks! Pati na sa exam!" -echoserong mukhang connect-the-dots
BINABASA MO ANG
Shut Up Or I'll Kiss You
Fiksi Remaja"I love you, no matter what. I'll always stay by your side. Remember that you're my responsibility? If I had a chance to choose a girl that I will marry, I'll choose you. 'Cause you are the one who makes me happy and you are the one that I love and...