Kylie's POV
Sabi nila, isa daw akong mabait na bata. Sa sobrang bait ko pa nga daw ay mapapagkamalan na akong anghel. Ni minsan ay hindi ako pumalpak sa klase. Ni minsan ay hindi ako nagkaroon ng grado na bababa sa 80. At never akong naalis sa pagiging Dean's lister. Pero ang sarap lang ipalapa sa mga balyena 'tong mga lalaking 'to. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako mapupunta sa walang kasing lupit na detention! Anak ng tokwa nga naman, oo. Tch.
Dahil wala akong magawa, pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng detention. May pintuan ito na kinakailangan pa ng special card para mabuksan. Nakaka-amaze nga, eh. May malaking flat screen TV na nakadikit sa bandang itaas ng dingding. May mahabang-
"Kylie! Pssst!" tawag sa akin ni kuya. Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Putik lang talaga.
"Oh?" nakasimangot na sabi ko. Sino'ng hindi maba-badtrip kung ganito ang kahihinatnan ko? Shetpaks lang talaga. Tch.
"Magsulat kana sa papel!" Tinignan ko naman yung sinasabing papel ni kuya. Litsi naman, oh. Napunta kasi kami sa detention kaya ang parusa, magsusulat lang naman kami sa personalized "papel" kuno nila. Take note, ang papel na ito ay doble ng isang yellow pad paper. At ang mas malala pa, five "papers" daw ang susulatan namin ng, "I promise to never engage myself into a fight." At oo nga pala, back to back pa. Pisti.
"Tch. Bahala kayo d'yan. Kung hindi ba naman kasi kayo nag-away, edi sana hindi ako masasama. Patapon ko kayo sa Jupiter, eh."
Tumingin naman sa akin yung lalaking kasing kulay ng damo ang buhok. "Kung hindi ka din sana nangialam, edi sana, wala tayong lahat dito."
Uminit agad ang ulo ko sa sinabi ng hinayupak na 'to. Nakaka-lalaki na 'to, ah! Ay putspa. Babae pala ako. Tch. Basta, yun na 'yon.
"May sinasabi ka, Mr. I-love-grass-so-my-hair-is-grass-too?"
Akmang tatayo na sana yun lalaking hindi ko alam ang pangalan, pero shine bright like a grass ang buhok, nang bigla kaming inawat nila kuya. Aba, pasalamat siya, nakakapagtimpi pa nga ako sa lagay na 'yan, eh.
"Tama na nga 'yan. Ikaw naman Kylie, magsulat kana lang d'yan. At ikaw, maupo kana. Baka hindi kita matantiya, eh," sabi na lang ni kuya. Sus. Akala mo talaga, eh.
"Are you trying to start a fight again?" tanong naman ng ingliserong nagbabantay.
"Pagsabihan mo 'yang kapatid mo, ah," maangas at pabulong na sabi nito, pero hindi nakatakas sa matalas kong pandinig. Sige, papalagpasin ko na lang. Ngayon lang, at ayokong humaba ang sentensya ko dito sa detensyon. Litsi siya. Pisti siya. Gusto ko sana'ng sabihin sa mga tropa niya na, "Pagsabihan niyo din 'yang tropa niyo, ah. Nasobrahan yata sa damo kaya napapariwara." Tch.
At dahil wala na akong ma-say, sinimulan ko na lang ang pagsulat nitong five pages kuno na 'to. Hindi talaga ako makapaniwala. Ako? Ako na si Kylie Lienne Perez? Isang dyosang, ubod ng ganda, nasa detention at nahihirapan?
"Are you all done?" tanong ng isa namang nagbabantay sa amin sa detention. Tama kayo ng nabasa, isa lang siya sa nagbabantay sa amin sa detention. Mga lima lang naman ang bantay dito sa detention. Tatlo sa labas, dalawa sa loob. Walastik, boombastik.
Nagulat ako ng tumayo si Dylan at pinasa ang papel. Wooooaah. Tapos na siya?! Aba, ano siya, ka-lahi si Flash? Astig, ah.
"Pare, tapos kana?" nagtatakhang tanong nung Luke ba 'yon.
BINABASA MO ANG
Shut Up Or I'll Kiss You
Teen Fiction"I love you, no matter what. I'll always stay by your side. Remember that you're my responsibility? If I had a chance to choose a girl that I will marry, I'll choose you. 'Cause you are the one who makes me happy and you are the one that I love and...