Chapter 10: Trouble

108 2 1
                                    

Kylie's POV

"Good morning people!"

Ugh. Ang sakit ng ulo ko. Takteng 'yan. Sino ba yung istorbo ng tulog? Ipapalamon ko lang sa great white shark.

"Kylie, apo! Get up na! I made you a breakfast," nakangiting bungad ni mamu. Tch. Ang aga-aga, eh. Teka, ano'ng oras na ba?

"My dearest apo, bangon na! Sige ka, mali-late ka. Okay na ba you? If you want, you can rest pa."

Para akong si Flash ng marinig ko ang salitang late. Kaya wala pa yatang ten minutes, ready'ng-ready na ako. Tch. Mahirap na. Lesson learned na ako, mga kababayan.

"Kuyaaa!" Umalingaw-ngaw ang bungangerang boses ni Kyla. Kahit kailan talaga. Napailing-iling na lang ako, kahit deep inside, gusto ko ng pasakan ng refrigerator ang bunganga niya. Morbid.

"Pababa na!" sigaw naman pabalik ni kuya. Ano 'to, may sunog? Sakit lang sa lungs ng mga pinaggagawa nila sa life, eh. Tch.

"Kylie, apo! Eat breakfast na! Done na ba you?" Hays. Mapapabuntong-hininga na lang ako sa kanila, eh.

At siyempre, ako ang pinakamatino sa bahay. Kaya imbes na sumigaw, bumaba na lang ako ng tahimik. Take note, peacefully. Pero pagkababa ko pa lang, dinig na naman sa buong bayan ang sigaw nila mamu. More like, tili.

=_____=

"Mamuuuu! Kyaaaaah!"

"Oh my!"

Napatingin naman ako sa pinagmulan ng tili nila. Sus. Pogi lang pala, eh. Teka, parang pamilyar, ah. Parang kamukha siya nung nakakita sa aking nagwi-wiggle ng pwet- O____O

"Dylan?!" Nanlaki pa ang mata ko. Oh, well. Medyo-medyo na lang na nagtatakha ako. Kung nagawa niya ngang mag-ala ninja nung pumasok sa bahay (yung muntik ko na siyang mapagkamalang magnanakaw), ito pa kaya? Pero teka, wats da mining op dis? Pero teka ulit, nakakahiya! Hindi pa keri ng kagandahan ko na makita siya ngayon. Pwede ba na invisible mode? Pero wala na, eh. Nakita na ako.

\(T3T)/

"Yeah," tipid niyang tugon. Tch. Nagkaubusan na ba ng saliva sa mundo?

"What are you doing here, kuya Dylan?" Si Kyla. With matching twinkle eyes pa 'yan. Halatang nagpapacute pa, eh. Akala mo naman, tuta. Mukhang engot.

"Ahm. I'll be going to school with you guys," sabi naman ni Dylan. As in now na?

"Ah, eh. Una na pala ako mamu. Bye kuya, bye Kyla," paalam ko sa kanila at sinimulan ng tumakbo palabas. Hunyems. Sa kakamadali ko, hindi ko namalayan na may bato pala. Lechugas. Barabas. Hestas.

"Putik kang bato ka! Pahamak ka eh, noh? Itapon kita sa Pacific ocean, eh!" Sa inis ko ay itinapon ko na lang basta ang bato. Pero litsi, nagsisi din ako. Tumama pala ang bato sa aso! Run, Kylie, run!

"Mamuuu! Kuyaaa! Kylaaa! Help meee!" Takbo pa din ako ng takbo. Peste, tinatahulan pa ako ng aso. Parang anytime, last moment ko na. Lord, magpapakabait na ako! Patigilin Niyo lang po 'tong aso na 'to! Promise, magiging mabuti na akong mamamayan ng Pilipinas! Magbabayad ako ng tamang buwis sa future! May mga pangarap pa ako sa buhay, Lord!

Sa wakas, tinantanan na ako ng aso. Whooo! Habol-habol ko ang hininga ko sa sobrang hingal. Feeling ko, nag morning exercise na ako, eh. Shete talaga. Wala na ba'ng isu-suwerte ang buhay ko at puro malas na lang ang nangyayari sa akin?

Shut Up Or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon