Chapter 7: About Him

130 5 0
                                    

A/N:

Para marefresh ang utak niyo:

Dylan, Kyle, Kit, Trigger, Third, Hans and Luke (members ng Exothermic)

Dylan -asawa ko este! Si Mr. Spokening Dollar at ang butihing bestfriend ni Kyle na kapatid ni Kylie.

Trigger -ang cassanova ng grupo.

Kit -ang mama's boy.

Luke -ang mahilig maglaro ng basketball.

Kyle -ang leader.

Third -ang womanhater sa grupo.

Hans -ang quiet but terrible kung magalit sa grupo.

P.S.

Sorry sa sabaw na update! :-P

Belated Christmas and Happy new year mamens! *party*party*

Kyle's POV

"Pareng Kyle! Long time, no see!" bungad ni Kit.

"Ulol! Nagkikita naman tayo sa school, ah." Nagsitawanan naman ang mga ungas.

"Sa school," sabay-sabay nilang sabi at nag high five pa. Tch.

"Alam niyo naman ang kalagayan ko ngayon sa bahay, eh. Oh, nasa'n nga pala si Dylan?"

Mukhang wala na naman dito si pareng Dylan, ah. Siguro, 'di pa din niya tanggap ang nangyari. Kawawa naman yung ungas na 'yon. Buhay nga naman, parang life.

"Naku, p're. 'Di kana nasanay. Ay nga pala, tuloy ba ang laban mamaya?" tanong ni Third.

Hmm. Lalaban ba kami o next time na lang? Wala naman kasi si Dylan, eh. Eh, siya pa naman ang pinakamatino sa grupo. Pe-pero siyempre, ako talaga yun!

"Gusto niyo ba?"

Nagsitanguan naman ang mga unggoy. Sus. Mga atat makipagbakbakan, eh.

"Edi game."

I smirked. Mukhang may mamamatay na naman ngayong gabi, ah.

***

3rd person's POV

Hindi muna nagsimula ang laban hangga't hindi sila nakakasiguro kung sino ang makakalaban nila. Nang makasiguro sila na hindi naman threat ang kakalabanin nila, agad nilang sinugod ang Seoul Empire gang.

Nilabas ni Hans ang bagong takas- este- bili niyang mini gun. Pinaputukan niya sa bandang ulo ang kawawang miyembro ng Seoul Empire. Aniya'y, mahirap na at baka maunahan pa silang magkasa at bumaril.

Lahat sila ay tumingin ng masama kay Hans. Sino ba naman ang hindi? Siya lang naman ang tumapos sa laban.

"And the winner is..."

"Exothermic Empire!"

Bagama't mas mabilis ito kaysa sa dati nilang laban, ito naman ang pinaka hindi nila makakalimutan. Dito lang yata nila naranasan na tumunganga na lang at hintayin ang signal na sila ang nanalo. At ang salarin? Si Hans.

"P're naman! Bakit naman gahaman ka?" maluha-luhang sabi ni Trigger.

"Eh, kasalanan ko ba kung mga lampa talaga sila?" sabi naman niya at nagkibit-balikat.

"Hays!"

Lahat sila ay nagsialisan at ang tanging naiwan ay ang nagtatakhang si Hans.

"Eh?"

Shut Up Or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon