Chapter 9: Not So Wave-y Day

58 2 0
                                    

A/N: Dahil matagal-tagal na akong hindi nakapag-update, ito na ang UD. Hapeeeh anibersare! After one year, eto na ang update. Sensya na kung sabaw.

***
Kylie's POV

"Kuya, ako na magdadala n'yan," sabi ko kay kuya Kyle. Kasi naman, nakakainis. Ano ako? Baldado? Tch.

"Hindi na. Baka mabinat ka, eh."

Saan ka nakakita ng nawalan lang ng malay at nagkaroon lang ng galos, eh mabibinat kuno na? Tch. Ang OA talaga nila. Akala yata nila, eh may stage four cancer ako.

Bumaba na kami ng sasakyan ng makarating kami sa bahay. Siyempre, hindi naman pwedeng tumira kami sa loob ng sasakyan, diba. Kinuha ko na yung mga gamit ko. Dahil ayaw akong pagdalahin ng mabigat nila kuya, eh isang plastic lang ata nabitbit ko. Pagkapasok namin sa bahay...

"Welcome home Kylieeeeee!"

What on earth?

"Umigash ate Kylie! You're home na talaga! Namiss kita, nawala ka kasi ng one day, eh," mangiyak-ngiyak "daw" na sabi ni Kyla.

"Apooo! My loving, dearest apo! I miss you!" sabi naman ni mamu at pinaghahagkan ako sa pisngi.

-_______-

"Seriously? Ano'ng pakana 'to?"

"Masyado ka kasi nilang na-miss Kylie," sagot ni kuya sa tanong ko at tinawanan ako ng tinawanan.

Wala na lang talaga akong nagawa kun'di mapa-poker face na lang. May mga pagkain pa talaga. Yung tipong nagpa-buffet pa. *ultimate poker face* Mukha ba akong may malalang sakit?

"Akyat na nga lang ako," nasabi ko na lang.

"Okay Kylie my dear! Take rest! Mwaaaa!" sabi pa ni mamu at may flying kiss pang nalalaman.

"Sige ate! 'Wag ka munang pumasok bukas, ah." Lalo lang akong napa-poker face sa mga pinagsasabi nila.

Pumanhik na nga lang ako sa may kwarto ko. Dahil wala akong magawa, kinuha ko na lang yung MP3 ko na maliit. Nang aabutin ko na sana ay bigla itong lumusot sa ilalim ng kama. Malas naman, oh. Kaya wala akong choice, kaya pilit kong inabot yung MP3. Lumusot lang naman ako sa ilalim ng kama at nagwe-wave-wave pa nga yung pwet ko kasi hindi ko maabot.

"Kylie?"

Sht! Nauntog ako. Ang sakit.

Lumabas ako sa ilalim at successful ko namang nakuha yung MP3. Tch. Badtrip, manggulat ba naman kasi, eh.

"Oh? Dylan?"

Nakita kong parang namumula siya. Sino ba'ng hindi? Eeeehhh. Nakita niya ako sa gano'ng pwesto.

>_____<

"I didn't see it."

"B-bakit ka ba nandito?" Kailan pa ako natutong mahiya, aber?

"Just wanna give you your food," sabi naman niya at nag-iwas ng tingin. Kung hindi ka nga naman talaga minamalas. Bakeeet? Sa lahat ng pwesto, bakit sa ganoong pwesto pa ako nakita. Lupa, maaari mo na akong lamunin.

Shut Up Or I'll Kiss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon