CHAPTER 17

194 9 0
                                    

Psalms 85:8

I will listen to what God the LORD will say; he promises peace to his people, his saints--but let them not return to folly.




*****

SHARIAH POV


"hello?.."

"Shariah..si Rheicy to..ahm..busy ka ba?.."

"ah kaa-out ko lang sa opisina..bakit?."


Narinig kong bumuntung hininga si Rheicy sa kabilang linya..


"ah..papasama sana ako..mamimili kasi ako para sa ihahanda natin sa bday ni Steph..ok lang ba?.."

"oo naman..kita na lang tayo sa mall.."

"thank you Shah..see you..bye.."


Sumakay na ako sa kotse ko at nagderetso na sa mall..pagkarating ko dun ay nagtext ako kay Rheicy na sa may food court na lang kami magkita..ilang minuto lang ay nagreply na sya..


From : Rheicy

Oh ehm..Shah..I'm so sorry..nagkaroon kasi ng emergency dito sa kumpanya..I can't make it..sorry :(..pero may pinadala ako dyan na makakasama mo sa pamimili..sorry talaga hah..


Napahalumbaba na lang ako..sino naman kaya ang pinadala nya para makasama ko..tss..itetext ko sana ulit sya ng mapansin kong may nakatayo sa harapan ko..at pagtingin ko ay natigilan ako saglit..sya ba ang substitute ni Rheicy?..of all people, bakit sya pa?..


"tara na..para mabili na natin lahat ng nakalista.."


Sabi nya na hindi man pang tumingin sa akin..tumayo ako sa upuan at sinundan na lang sya paglalakad..


"teka..Ronnie..bakit ikaw?.."


Oo..tama kayo..si Ronnie ang tinutukoy ni Rheicy na pinadala daw nya..tss...


"hindi ko rin alam.."

"hah?.."


Humarap sa akin si Ronnie kaya itong heartbeat ko ay umaabnormal na naman..daig pa ang nakikipagkarera sa kabayo..


"tara na lang kasi.."


Pagkasabi nya nun ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa may supermarket..hawak nya ang kamay ko?..omg..puso, kapit ka lang..wag kang bibitaw..


Pagkarating namin sa may pwesto ng mga canned goods ay binitawan na nya ang kamay ko at pinagmasdan ang listahan na hawak nya..


"patingin nga ng listahan.."


Pinakita nya ang kapirasong papel na naglalaman ng mga bibilhin namin..


Gatas na malapot at malabnaw


Wala man lang sinulat na brand kung anong bibilhin..hmm..kumuha ako ng tig-isang Alaska evap at condense..


"sigurado ka bang yan yun?.."


Tanong ni Ronnie habang nakatingin sa hawak kong de latang gatas..


"oo naman..kuha ka na lang ng push cart..dali.."

"tss..makapag utos ka hah.."


Pagrereklamo nya pero sinunod din naman ang utos ko..nilagay ko yung mga gatas sa cart at si Ronnie na ang nagtulak habang ako naman ay hawak yung listahan..


"excited na excited si Rheicy mamili..hindi pala naman sya pwede.."


Pagmamaktol ni Ronnie..napatawa na lang ako..tumingin naman sya sa akin.na nagtataka..


"para kang bata..alam mo yun.."


Sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng Nestle Cream..


"tss..parehong pareho kayo ni Rheicy.."


Napangiti na lang ako..


"you know what..ang swerte mo kay Rheicy..maalam sya sa kusina eh.."


Sabi ko sa kanya habang pumipili ako ng noodles..nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si Ronnie..parang nailang naman ako bigla..


"wala yung alam sa kusina..niresearch nya lang sa google yang mga yan.."


This time ay ako naman ang napatingin sa kanya..


"talaga?.."


"oo.."


Binalik ko na ulit ang tingin ko dun sa mga noodles..


"napag-aaralan naman ang pagluluto..sabihin mo magpaturo sya kay Steph.."

"eh ikaw.marunong ka bang magluto?.."

"ah..medyo..tinuturuan pa ako ni mom eh.."


Kumuha na ako ng noodles na napili ko..naalala ko kasi na ito ang laging binibili ni mama..


"kung ganun..swerte pala ako sayo..sana.."


Narinig kong nagsalita si Ronnie kaso hindi ko naintindihan..ang hina kasi ng boses nya..


"anong sabi mo?.."

"wala.."


Umiwas ng tingin sa akin si Ronnie..okay?..what does it mean?..


Pinagpatuloy ko na lang ang pamimili ng mga nakalista sa papel habang si Ronnie ay nakasunod lang sa akin..


Ang sarap mag imagine na mag-asawa kami tapos namimili kami ng pang stock sa bahay..





-_-



Hanggang inamgination ko na lang yun..tss..


2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon