Chapter 11

202 9 1
                                    

RONNIE POV

"bakit ba kailangan ko pang sumama sa inyo?",

Niyayaya ako nina Steph sa Pencil Grip bar..kasi daw tutugtog dun ang Proud Pinoy..ang banda ni Shariah..sinadya pa talaga ako nung apat dito sa opisina ko..

"ano ka ba naman..si Shariah ang kakanta dun..syempre dapat nandun tayo..or else---"

"sige na..sasama na ko", pinutol ko na ang sasabihin ni Steph dahil alam ko na ang sasabihin nun..na hindi pa ko maka move on kaya ayokong manood..tss..

"pasama din ako..san kayo pupunta?", singit ni Rheicy..tss..sanay na talaga syang pumasok sa opisina ko nang hindi nakatok..

"sa Pencil Grip bar..kakanta kasi si Shah mamayang gabi..", sabi ni JB..ngumiti naman si Rheicy..nga pala..si Rheicy ay kasundo nina Steph..close silang dalawa..pati dun sa tatlo ay close din ito..

"ganun ba..exciting..pasama ako hah.."

"oo naman Rheicy..", nakangiting sabi ni Steph..

Tumahimik na lang ako..hayyy..ano na naman kayang binabalak ni Rheicy..kaibigan ko sya pero ewan ko ba dito..lagi na lang pinapairal ang kamalditahan..

SHARIAH POV

"ready ka na Shah?", tanong sakin ni Carlos..nandito kami sa Pencil Grip bar..ang may ari nito ay yung tito ni Rico..kaya eto nakasideline kami..

"oo naman..namiss ko kaya ang banda natin", nakangiti kong sabi sa kanila..2 months na kasi nung huli kaming tumugtog..at sa Canada pa yun..

"good evening guys..so we are the Proud Pinoy..and enjoy the night guys!!..", nakangiti kong bati..ang daming tao dito sa bar na to..nilibot ko muna ang tingin ko sa mga audience at nahagip ng mga mata ko sina Steph, JB, Jeff, Ian, Ronnie at Rheicy..anong ginagawa nila dito?..ang gandang coincidence naman..sa dami nang bar na pede nilang puntahan ay dito pa talaga..Nag umpisa nang tumugtog ang mga instruments nina Carlos..

Heto na naman ako
Nag-aabang nang bago sa istorya ko
Paulit ulit na lang
Paulit ulit na lang

Napatingin ulit ako sa table nina Ronnie..nakatingin silang lahat sakin..lalo na si Ronnie..nagtagpo ang mga tingin namin..

Heto na naman ako
Tinitingnan san nagkamali ang puso ko
Parang walang katapusan
Walang katapusan

Napatingin naman ako sa katabi nya..si Rheicy..ang fiance' nya..nakangiti ito..mukang masayang masaya sya..wife to be ehh..

Kahit pilitin pa ang sarili
Ibigin ka'y mali, ako'y mali
Ako'y mali

Binalik ko ang tingin ko kay Ronnie..dapat kinalimutan ko na sya..para hindi na ko nahihirapan nang ganito..

Paano ba ang magmahal
Palagi bang masasaktan
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan

Paano ba ang magmahal
Kailangan bang nasasaktan
Lagi na lang di maaari
Ngunit ayaw lumisan

Tatlong kanta lang ang kinanta namin..kasi may mga stand up comedians pa ang magpeperform..yun kasi ang pinaka highlight ng gabi..kaya laging madaming tao sa bar na to..after nung last song ay umakyat agad yung dalawang comedian..

"teka teka..naintriga lang kasi kami..ms. vocalist..pwede ka ba naming maimbitahan dito sandali", sabi nung isang comedian..tumingin ako kay Rico..nagtatanong kung kasali ba ito sa sideline namin..nagkibit balikat lang ito..kaya napilitan akong lumapit..ayoko naman kasing mapahiya sila..

"so anong pangalan ni ateng maganda?",

"Shariah po", nakangiti kong sabi..kahit na hiyang hiya na ko dito sa stage..

"ang galing mong kumanta..hindi katulad nitong kasama ko..boses palaka", sabi ni comedian 1..

"ay hiyang hiya naman ako sa boses mong laging paos", sabi ni comedian 2..nagtawanan ang mga audience..pati ako nakitawa na din..

"well..balik tayo kay ateng singer..may tanong lang kami sayo..ready ka na ba?", tumango na lang ako..para naman akong nasa hot seat nito..

"ateng..broken hearted ka ba?..", natigilan naman ako..seriously?!

"joke lang..hahaha..napansin kasi namin..yung si kuyang naggigitara..sayo lang nakatingin buong performance nyo..jowa mo?", napatawa naman ako..napatingin ako kay Carlos na kakamot kamot sa ulo..mukang nahihiya..

"ah hindi po..kaibigan ko sya..kasama nang iba ko pang kabanda"

"ayyy ateng..napasaya mo kami..kukunin ko ang number nya mamaya ha", kilig na kilig na sabi ni comedian 1..hahaha..pogi din kasi si Carlos kaya siguro nagustuhan nung comedian 1..bumaba na ko at nagpunta na sa mga kabanda ko..inaasar ko pa si Carlos..ang sarap nyang asarin..hahaha..bigla namang lumapit si Steph..niyayaya kami dun sa table nila..natigil ako sa pang aasar kay Carlos..napansin yun ni Carlos kaya sya na mismo ang tumanggi..kaso mapilit ang bestie ko kaya pumayag na lang ako..tiningnan ako ni Carlos pero nginitian ko na lang sya..

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon