CHAPTER 21

200 12 0
                                    

Colossians 2:6-7

6 So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live your lives in him, 7 rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing with thankfulness.





*****


SHARIAH POV


Sa pagkakaalala ko ay after naming mamili ni Ronnie, dito agad ako nagderetso sa bar. Umorder ako ng pinakamalakas na drinks nila then boom, wala na akong maalala. Arghh.


"Ma'am, oorder po kayo?"


Nandito ako sa bar ngayon kung saan nag-inom ako kagabi. Pilit ko kasing inaalala ang mga nangyari kagabi at yung mga nasabi ko kay Ronnie.


"ahm Kuya, ikaw ba ang bartender kagabi?"


Tiningnan ako ni kuyang bartender na may pagtataka.


"Naku ma'am, bago lang po kasi ako dito. Ngayon lang ako nag-umpisa magtrabaho dito."


"Ganun ba. Sige salamat na lang."


Nakakainis naman si Ronnie. Kung sinabi na lang nya sana kung anong nangyari kagabi edi sana hindi ko na kailangang bumalik sa bar na ito para alalahanin pa ang mga nangyari.


"Trying to remember everything?"


Nagulat ako ng biglang tumabi sa akin si Ronnie. Medyo natameme pa ako dahil sa itsura nya ngayon. Ang gwapo nya tapos ang bango bango pa.


"A-anong ginagawa mo dito?"


Ngumiti lang sya sa akin pagkatapos ay tumayo na sya.


"Try to check your phone. Nandun lang ako sa labas. Baka kasi malasing ka na naman."


Pagkasabi nya nun ay kumindat pa sya sa akin at lumabas na sya ng bar. Napahawak na lang ako sa noo ko. Ano bang ginagawa mo Ronnie? Paano ako makakamove on kung ganyan ka?


Kinuha ko na lang ang phone ko. Binuksan ko ang mga conversation ko sa messages kaso wala naman sya doon so hindi ko sya tinext kagabi.


Oh no! Tinawagan ko ba sya kagabi? Agad kong pinuntahan ang call logs ko and ayun, tinawagan ko nga sya kagabi.



FLASHBACK


Ang hirap palang magbar nang nag-iisa. Sino kayang matawagan? hmm.


"Shah?"

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon