CHAPTER 18

184 11 0
                                    

Philippians 4:9

Whatever you have learned or received or heard from me, or seen in me -- put it into practice. And the God of peace will be with you.



*****

SHARIAH POV


Mahigit isang oras din bago namin nabili ang lahat ng nakalista dun sa papel. Pagkatapos naming mamili ay nagderetso na agad kami sa kotse ni Ronnie. Sya na daw kasi ang bahalang maghatid sa bahay nina Rheicy.


"ah s-sige Ronnie, mauna na ako"


Nginitian ko sya at tumalikod na sa kanya.


"S-shah"


Napatigil ako nang tawagin ako ni Ronnie. Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.


"bakit?"


"Nagugutom na kasi ako. Kung ok lang sayo, kain muna tayo."


Niyayaya nya akong kumain? Papayag ba ako?


"Pero kung ayaw mo, ok lang. Ako na lang ang kakain mag-isa."


Nakangiti nyang sabi sa akin. Nangonsensya pa talaga sya.


"Ok lang sa akin. Gutom na din ako."


Mas lalong lumawak ang ngiti nya dahil sa sinabi kong iyon kaya napangiti na lang din ako. Wala naman sigurong masama sa pagpayag ko diba? Kakain lang naman kami. Kakain lang. Yun lang.


Nang mailagay nya ang lahat ng pinamili namin sa kotse ay nagbalik kami sa loob ng mall.


"Saan tayo kakain Shah?"


Napatingin ako kay Ronnie. Nililibot nya ang paningin nya na waring naghahanap ng makakainan namin.


"Kahit saan na lang siguro. Ikaw na ang bahala."


Nagkamot ng ulo si Ronnie. Nahihirapan ata sya kung saan kami kakain. Ang dami kasing resto dito na pagpipilian.


"You know what, alam kong hindi dito ang gusto."


Naguluhan naman ako sa sinabi ni Ronnie. Iimik pa sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng mall.


"T-teka, saan tayo pupunta? Akala ko ba kakain tayo?"


Tanong ko sa kanya habang hila hila pa din nya ako.


"Kakain nga tayo. DITO."

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon