CHAPTER 22

209 11 1
                                    

2 Corinthians 9:11

You will be made rich in every way so that you can be generous on every occasion, and through us your generosity will result in thanksgiving to God.





*****


SHARIAH POV


"Ma'am Shariah, may bisita po kayo."


Napatingin ako dun sa secretary ko nang pumasok sya sa opisina ko.


Bisita? Sino namang matinong tao ang bibisita sa opisina ko?


"Sino daw?"


"Si Mr. Madrigal po."


Awtomatikong napataas ang kilay ko. Madrigal? Isa lang naman ang kilala kong Madrigal at yun ay si Ronnie.


"Sige. Papasukin mo."


Tumango sa akin ang secretary ko pagkatapos ay lumabas na sya ng opisina ko. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa monitor ng pc ko. Ang dami ko pa kasing trabaho na kailangang tapusin. Nalulunod na nga ako sa mga numbers na kinocompute ko.


"Good morning."


Masayang bati sa akin ni Ronnie. Tiningnan ko lang sya then binalik ko na ulit ang tingin ko sa ginagawa ko.


"Busy?"


Naupo sya sa may harap ng table ko.


"Hindi ba obvious?"


Seryoso kong tanong sa kanya pero hindi pa din ako tumitingin sa kanya. Bakit ba naman kasi ang pogi nya? Nakakadistract -_-


"Ganyan ka na ba mag entertain ng bisita?"


"Ano bang kailangan mo?"


Inalis ko na ang tingin ko sa pc ko. Wala na, nadistract na ako. Nawala na ako sa focus at yun ay dahil sa lalaking ito na basta na lang pumupunta dito sa opisina ko.


"Pinapunta ako ni Rheicy dito dahil dun sa slideshow na gagawin para sa birthday ni Steph."


Nakangiti nyang sabi sa akin.


"Sa bahay ko na lang gagawin yun. Ang dami ko pang trabaho oh."


Biglang tumayo si Ronnie. Inimis nya ang mga papel na nakapatong sa table ko at inilagay sa isang tabi. Napatunganga na lang ako sa ginawa nya.


"Gagawin natin yan ngayon."


Seryoso nyang sabi.


"Nahihibang ka na ba? Ang dami ko pa ngang gagawin. Makakapaghintay naman yan."


Mataray kong sagot sa kanya. Tiningnan nya ako sa mga mata ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin.


"Marami din akong kailangang tapusin pero isinantabi ko muna yun para dito. Para kay Steph."

"

Wow. Salamat sa pangongonsensya hah."


Sarkastikong sabi ko. Napangisi na lang sya. May inilabas syang flash drive at iniabot nya ito sa akin.


"Nandyan daw lahat ng pictures na ilalagay sa slideshow."


"Baka may virus itong flashdrive mo."


"Wala yan. Kahit iscan mo pa."


Nakangiti nyang sabi sa akin. Isinaksak ko na yung flashdrive sa pc ko at tulad nga ng sinabi nya, iniscan ko muna ito. Baka mamaya may virus pa ito, kawawa naman ang mga files ko kapag nagkataon.


Nung masure kong walang virus ang flashdrive ay inumpisahan ko nang ibrowse ito. Tiningnan ko isa isa ang mga pictures at natatawa ako. Puro kasi stolen pictures ang nandito. Ang epic ng mukha ni Steph sa mga pictures nya.


"Seryoso ba si Rheicy na ito ang ilalagay ko sa slideshow? Baka sa halip na matuwa si Steph ay magalit pa sya."


Tatawa tawa kong sabi sa kay Ronnie. Pumunta naman sya sa likod ko para makita din ang mga pictures.


"Hindi naman lahat. Ikaw na daw ang mamili kung alin ang isasama at hindi."


Patuloy lang kami sa pagtingin ng mga pictures. Napakadami naman nito. Ang hirap mamili kung alin ang isasama at ang hindi.


Nung nasa kalagitnaan na ng mga pictures ay pareho kaming natigilan ni Ronnie.


"Rheicy!!"


Pabulong na sabi ni Ronnie pero narinig ko pa din naman. Yung mga sumunod kasi na pictures ay puro kami nang dalawa ni Ronnie. May iba din na picture ko na stolen kung saan yun yung ginamit ni Ronnie noon sa mini concert nila. Almost 100 pictures din yun bago yung mga picture ulit ni Steph.


Medyo nakahinga ako ng maluwag nung puro picture na ulit ni Steph ang nakikita namin. Pero ramdam ko pa din ang awkwardness dito sa loob ng opisina ko. Tahimik lang si Ronnie at tahimik lang din ako.


Ang ipinagtataka ko kasi ay paanong may kopya nun si Rheicy.


"Pagpasensyahan mo na lang si Rheicy. Tinotopak na naman siguro sya."


Parang nahihiyang sabi ni Ronnie. Bumalik na sya sa pwesto nya kanina kaya magkaharap na kami ngayon. Nginitian ko na lang sya.


"Hindi mo pa din ba maalala yung mga nasabi mo sa akin nung lasing ka?"


Napatingin ako kay Ronnie. Seryosong seryoso syang nakatingin sa akin.


"Ayoko nang isipin yun. Kalimutan na lang natin yun. Nasabi ko lang naman yun dahil sa kalasingan ko."


Sinabi ko yun sa kanya habang nakatingin ako sa computer ko. Narinig ko naman na bumuntung hininga sya.


"Okay. Simulan na natin yan para makabalik na tayo sa kanya kanya nating trabaho."


"Sige."



2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon