CHAPTER 24

200 8 1
                                    

Romans 8:28

And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.





*****


RHEICY POV


Nakakatuwa ang itsura ni Ronnie, priceless. Hahaha. Well, umiiral na naman kasi ang pagkapilya ko kaya sinadya ko na silang dalawa ni Shariah ang gumawa ng slideshow para kay Steph. At syempre, para may thrill, nilagay ko din sa flashdrive yung mga pictures nilang dalawa. Ineexpect ko nga na babalewalain lang yun ni Ronnie pero nagkamali ako.


"Pero seryoso Ronnie, mahal mo pa?"


Napatingin sa akin si Ronnie na nakakunot pa ang noo. Napangiti ako ng sobra. Hindi kasi sya nakasagot. Nakatingin lang sya sa akin.


"Ano na Ronnie? Tinatanong kita."


Sasagot na sana si Ronnie kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shariah na may dala nang pagkain.


"Kumain na muna tayo."


Sabi nya habang nilagay nya yung pagkain nyang dala sa table. Bigla namang nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito.


"Hello?"


"Rheicy."


Napatingin ako dun sa dalawa at sumenyas na lalabas muna ako. Parehas naman silang tumango.


Pagkalabas ko sa opisina ni Shariah ay saka lang ulit ako nagsalita.


"JB, napatawag ka?"


"Regarding sa proposal mo para sa sponsorship ng XY Corporation para sa foundation mo."


Bigla akong kinabahan. Ang XY Corporation kasi ang isa sa pinaka successful na corporation sa beverages industry. Ito ay pagmamay-ari ng mga magulang ni JB.


Isa sila sa mga target ko para maging sponsor ng foundation na itinayo ko para sa mga batang inabanduna ng kanilang magulang.


"What about it?"


"Pupuntahan na lang kita sa opisina mo."


"Sige. Bye."


Pumasok ulit ako sa opisina ni Shariah para magpaalam sa kanila dahil kailangan ko nang bumalik sa opisina ko. Mabuti na lang at pumayag sila kaya nagmadali akong pumunta sa opisina ko.


"JB."


Napatingin sa akin si JB na kasalukuyang nakaupo sa may labas ng opisina ko.

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon