CHAPTER 16

187 8 1
                                    

Matthew 5:9

Blessed are the peacemakers, for they will be called sons of God.




*****

SHARIAH POV


After kong maihatid si Rheicy ay si Ronnie naman ang ihahatid ko..medyo awkward pa nga dahil kami lang ang nandito sa kotse..


"dun na lang ako bababa sa inyo..maglalakad na lang ako papunta sa amin.."


Pagbasag nya sa katahimikan..saglit naman akong tumingin sa kanya at binalik ko agad ang tingin ko sa kalsada..


"malayo pa ang bahay nyo sa bahay namin..ihahatid na kita sa inyo.."

"no..dumeretso ka na sa bahay nyo.."


Mariin nyang sabi sa akin..bumuntung hininga muna ako bago nagsalita ulit..


"fine!!"


Hindi na ulit kami nag-usap after nun..hanggang sa makarating kami sa bahay ko..


"sigurado ka na ba na maglalakad ka na lang?.."


Tanong ko sa kanya..tumango lang sya at nag-umpisa ng lumakad..


"Ronnie.."


Humarap sya sa akin na may pagtataka..


"I'm sorry.."


Yun lang ang sinabi ko..hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya..nagmadali akong pumasok sa bahay at nagderetso agad sa kwarto ko..


Gustong gusto kong ipaliwanag kung bakit ko sya sinaktan noon..gustong gusto kong ipaliwanag na nasaktan din ako..gustong gusto kong ipaliwanag ang sarili ko..pero para saan pa?..masaya na sya..nakamove on na..wala na yung sakit na binigay ko sa kanya..


Wala na talaga..at kailangan ko nang tanggapin yun..




------

RONNIE POV


I'm sorry..

I'm sorry..

I'm sorry..


Napasabunot na lang ako sa buhok ko..paulit ulit na nagrereplay ang sinabi sa akin ni Shariah kanina..bakit sya nagsosorry?..dahil ba sa minsan na nya akong sinaktan?..dahil ba hindi nya ako nagawang mahalin?..arghhh..


Ano bang nagawa kong kasalanan sayo Shah?..bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?..minahal lang naman kita eh..bakit kailangan kong magdusa ng ganito?..nakamove on na ako eh..nakalimutan na kita..pero bakit kailangang bumalik ka pa?..bakit kailangang guluhin mo ulit ang buhay ko?..


Bumangon ulit ako at naupo sa harap ng computer ko..nag-online ako sa fb..kahit lalaki ako, nagffb din ako..sinearch ko ang account ni Shariah..


Pang-iistalk na ata itong ginagawa ko..pero gusto kong malaman ang naging buhay nya sa loob ng limang taon..gusto kong malaman kung naging miserable din ba sya katulad ko..


Ang latest post nya ay kani kanina lang..


You will never know if your decision is right or wrong until you face the result or consequence..


Yan ang pinost nya..10 minutes ago nung pinost nya ito..

Tiningnan ko pa ang iba pa nyang post..karamihan ay about sa maling desisyon..meron ding pictures nya..picture ng banda nya at kung ano ano pa..


I wish I can turn back time..if only I can..I will turn back the time where your love is still mine..


Tama sya..kung ako man..kung kaya ko sanang ibalik ang oras..ibabalik ko kung saan nakilala kita..para napigilan ko ang sarili kong mahalin ka..para hindi ako nasasaktan ngayon..


I am a liar..dahil sinungaling ako nung sinabi kong hindi kita mahal..


Last month nya ito pinost..para namang nanikip ang dibdib ko..ako ba ang tinutukoy nya dito?..nagsinungaling nga ba sya nung sinabi nyang hindi nya ako mahal?..


Naglog out na lang ako dahil gumugulo lang ang isip ko sa bawat post ni Shariah..


Bumalik na ako sa kama ko..



Hindi na kita mahal Shariah..hindi na..

2nd chance -the book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon