HANGGANG sa sasakyan ay usapan padin namin ang manyak na assistant na iyon. At ang numero unong ikinakainis ko ay nakukwestyon ang kagandaha ko!
"Pang-assistant lang kasi yang beauty mo, 'Neng!" Tudyo ni bakla.
"DUH. With a capital D - U - H. Parang nilapastangan mo nadin ang dangal ni Gloria Diaz."
Napahagalpak siya sa tawa. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa actually. I'm not kidding!
Ika nga nila 'Fight for you Right'.
"Bakit.. Anak ka ba ni Gloria Diaz?! At dinamay mo pa siya."Anlakas talaga makapang- alaska nito. Buti nalang at trapik kaya't okay lang magchikahan sa gitna ng kalsada.
Napanguso na lang ako at tumahimik. Ala na ko masagot e. First time kong matalo sa pang-aalaska!
"Natahimik ka yata bruha?"
Hmp. Nagtatampo ako. Bahala ka d'yan bakla.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nilingon ako nito at pinakatitigan. Sumeryoso ang mukha niya.
Nag- iwas lang ako ng tingin.
"Uyyy. Wag ka na magtampo! Joke lang iyon, Miranda. Don't worry. Alam ko naman ang ganda mo pang Gloria Diaz eh."
Agad akong napatingin sa kanya. Seriously? Pinuri niya ko, right?
Shyet. Eto na namang si joy, siya na naman ang nagkokontrol sa utak at puso ko.
"Pang-beauty queen ba, Bakla?" Bawing tanong ko.
Ang seryoso niyang mukha ay biglang nabura at napalitan ng bunghalit na tawa.
Bakit? May nakakatawa ba?
Nagsalita na ito bago pa ako mahibang kakaisip kung anong nakakatawa.
"Pang-matanda, is what I mean! Pang-gurangis na ang beauty mo! Assumera." Alaska nito.
Punyeta. Makakapatay ako ng bakla ngayon! Akala ko kung anong tinatawa niya. Yun pala iyon?
Akala ko pinuri niya na ko yun pala pang-aalaska padin! Kainis!
Ang tampo ko ay nag-multiply naging ×10000 na.
●●●●
NAKA-BUSANGOT padin ako hanggang makarating kami ng opisina. Badtrip talaga ko. Okay na sana eh. Ang gusto ko lang naman mag-sorry siya. Pero hindi!
Imbis na humingi ng tawad ay tawa lang ito ng tawa.
Banas. Tumuloy-tuloy ang pang- iinis nito hanggang gabi. Inignora ko na lang siya. Kesa naman sa madagdagan pa.
Natigil ako sa ginagawa ko nang mag-ring ang telepono. Agad ko namang dinampot at sinagot ito.
"Hello Goodevening, Ms. Miranda Ramos speaking. What can i do for you?""Ma'am Mira, i'm from the front desk. May naghahanap po kasi kay Sir. The name is, Ms. Shanine Witsburg. Please kindly inform Mr. Roberts."
Nagpantig naman ang tenga ko. What? Babae? Naghahanap kay Sir? Isinantabi ko muna ang pagtataka ko at kinontak si Sir Beks.
"Hello Sir. Someone is looking for you. She's Ms. Shanine Witsburg. Should--"
"Oh yes, yes. Papuntahin mo dito." Putol niya.
Seriously? I was kinda pissed. Hindi pa tapos ang isyu ko tungkol kanina. Pero heto at may nadagdag na naman.
A tall, blonde, sexy figure instantly showed up. Eto na siguro si Shanine na iyon.
Shyet. Malayo nga ang pinagkaiba namin. Mas lalo tuloy akong nainsecure. Napakaganda nito at ako? Average lang.
Ngumiti lang siya sakin at minuwestra ko naman ito papasok sa loob.
Emerged. Ngiti niya palang nakakatombi na. Pano pa kaya si Sir? Baka mainlove siya sa Shanine na ito.
Ay! Wag nega teh! Diba bakla si Sir? Nakooo. Di' iyon papatol sa kapwa niya babae.
Tahimik akong nagdadasal na sana'y magpakabakla muna si Sir ngayon ngunit agad nagflash sa utak ko na kami- kami lang pala ang nakakaalam na bakla siya.
Isa lang ang naiisip ko na motibo ng hinayupak na Shanine na iyon.
Yun ay ang LANDIIN si Sir Beks!
Naloloka na talaga ako. Ano naman laban ko dun? Pang-model ang katawan, Pang-santo ang mukha. Haay.
Isa lang yata ang lamang ko yun ay ang masasagana kong dibdib.
Hindi ko na natiis, ang tagal na nila sa loob. Kaya't pumasok na ako bigla-bigla ni walang katok.
Sa sandaling nabuksan ko na ang pinto ay agad naman akong nagsisi. Gusto kong isarado ulit ito at kalimutan ang aking nasasaksihan ngayon na ikinadurog ng puso ko.
My iron heart was shattered.
Si Sir Beks at yung Shanine naglalapaan ng labi. Habang nakapatong sa lap ni Sir iyong babae at nakalantad na ang dibdib nito.
I felt betrayed. Isa lang ang rumihistro sa utak ko.
I'm not good enough.
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay CEO (COMPLETED)
General FictionHave you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahit na imposibleng mahalin din ako. at higit sa lahat. Nagmahal ako ng isang BAKLANG mahirap abutin. ...