NAGISING ako ng may kumakalam na sikmura. Hirap akong idilat ako aking mga mata dahil sa ito'y namamaga. Parang binugbog ako ng isang daang katao sa sakit ng aking katawan.
Ito ba ang nakukuha ng labis na pagmamahal?
I thought the sweet acts would last, but....
... it didn't.
Parang nagising ako sa isang panaghinip.
That dream was surreal that i almost believed in it.
Actually not just believed,
But i also fell in love with it.
This may sound absurd, ngunit umaasa parin ako na babalikan at hahabulin ako ni Alejandro.
I look pathetic, yes, but what can i do? Mahal na mahal ko siya..
Naputol ang aking pag-dadrama nang pumihit ang seradura ng pinto at bumukas ito.
Iniluwa nito ang isang matipuno at makisig na lalaki. Kayumanggi ang balat nito at bilugan ang kanyang itim na itim na mata.
Mahaba ang kanyang buhok na medyo kulot. It looks sexy.
"Mabuti naman at gising ka na. Halika na sa baba at nang ikaw ay makapag-umagahan na." Ani ng lalaking iyon.
Pati pagbigkas at boses nito ay naghuhumiyaw ng ka-machohan.
Umiling-iling ako.
Ano ba naman yan.
Nasaktan na nga ako ay nakuha ko pang magpantasya ng iba.
Akmang aalis na sana siya nang pigilan ko ito."Teka po!"
"... ahm nasaan na po ako? At sino po kayo?" Tanong ko.
Sumilay lang ang isang mapang-akit na ngiti sa kanyang labi.
"No need to worry. I assure you, harmless ako. But I can be very dangerous tho."
"Mag-usap tayo mamaya. First, you need to bathe and eat. So move your ass!" Dagdag niya at tska umalis.
Tama nga naman. Mukha siyang kilabot!
Kilabot ng nga kababaihan. Dahil sa aking kagwapuhan nito.
Sinunod ko ito. Naglinis ako ng katawan at nag-ayos ng sarili.
Mabuti na lang ay ipinaghanda ako nito ng damit.
Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng kwartong iyon.
Maraming nakahanay na pintuan ang bumungad sa akin.
Andami naman kwarto.
Hotel lang ang peg.
Pumihit ako papuntang kanan, dire-diresto lang ang lakad ko hanggang sa maaninag ko na ang hagdan.
Mula sa hagdan ay kita mo ang pinakasentrong tanawin ng mansyon.
Hindi man ito kasing laki ng palasyo nila Alejandro at ng asawa daw niya , eh nakakatiyak naman ako na walang mananakit sa akin dito.
Pagkababa ko ay agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang bangong amoy.
Natitiyak ko na sa kusina ito galing.
Nang dahil sa amoy ay natunton ko ang kinaroroonan nito.
Eto na ba ang naggagawa ng gutom? Nagkakaroon na ng supernatural capabilities?
Natagpuan ko itong naghahanda ng mesa wearing a boxer short and ...
An apron?!
Tae.
Ohmyghad. Nagkakasala po ako ngayon. Alam ko pong hindi dapat tumingin sa biyaya ng iba pero ghaad.
Pwedeng free taste?
I shook my head. Tama na kalandian Mira.
Tumikhim ako upang makuha ko ang atensyon nito. Nag-aangat naman agad siya ng tingin.
He looked at me with wide eyes. Then later on he smiled, more like a grin actually.
"Hey! Buti naman at bumaba ka na. Come on, let's eat." Yaya nito.
Mabait naman pala ang mokong. Sadyang pilyo lang talaga.
Lalong kumulo ang tyan ko nang titigan ko ang mga nakahantad sa mesa.
I immediately dig in.
"Oh dahan-dahan lang! Di ka naman mauubusan eh."
Hindi ko na lang siya pinansin.
Sino kaya ang hindi magiging ganito kung kahapon ka pa hindi kumakaen.
Ay speaking of which.
"Paano nga pala ako nakapunta dito? Tsaka sino ka ba?" Tanong ko."Oh. That? I'm Dan Sergio Osmeña. Please call me DAN not SERGIO. Or else i would totally get offended." Pabiro niyang bitaw.
Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi nito.
Seriously?
Kamag-anak ba siya ni ex-President Sergio Osmeña?
"Haha. Okay, Dan it is. Pero seryoso kamag-anak ka ba ni Ex-P Sergio Osmeña?"
Ang magiliw na mukha niya ay napalitan ng nagtatampong ekspresyon.
He pouted.
Cute.
"No! Hindi ko kaano-ano iyon! And if oo, hindi ko aaminin!" Singhal nito.
I continued laughing. Pero hindi na ulit ako nagtanong ng tungkol doon.
"Eh ikaw what's your name? Nakita lang kita kahapon na nakahandusay sa gitna ng kalsada. I thought white lady ka kasi amputla mo tas ang haba pa ng buhok mo."
I smiled bitterly.
"Sorry about that. By the way, I'm Miranda Ramos. Thanks for saving me yesterday. And for giving me hope to continue."
I'm not gonna stop living because of him.
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay CEO (COMPLETED)
Narrativa generaleHave you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahit na imposibleng mahalin din ako. at higit sa lahat. Nagmahal ako ng isang BAKLANG mahirap abutin. ...