DAHIL sa sobrang tuwa ko sa ay kinalas ko ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa akin. Sa halip, ay kinabig ko ang batok nito at inilapat ang labi ko sa kanyang labi.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. It just felt right nang magkadikit ang aming mga labi. Animo'y isang panaghinip na ayoko ng magising.
Naramdaman kong inilayo agad nito ang kanyang sarili.
Tinitigan niya lang ako at tsaka yumakag paalis.
"Tara na. Para makapagpahinga ka, alam kong pagod ka din." Yaya niya.
Ganon-ganon na lang iyon?
Ni hindi man lang nagreact?
Ano tingin niya sakin? Pader lang? Pader na kung saan nabunggo ang nguso niya at pagkatpos aalis na lang na parang walang nangyari?
Hah.
I shook my head.
Hindi ako pang-hihinaan ng loob! Get a grip, Miranda.
Kahit paasa-gaming iyang si Sir, mahal ko yan.
●●●●
SA loob ng ilang araw naming pag-iistay sa Japan madami akong natutunan at napuntahan. Katulad ng red light district na kung saan parang alabang lang din. Ang pagkain na tamagoyaki na scrambled egg lang pala. At kung ano... ano... pa.
Buong biyahe pabalik ng Manila ay tahimik lang si Sir Beks. Hindi ko alam kung ano ba ang gumugulo sa isip niya.
Nung nasa Japan pa kami ay masigla naman ito. Nakikipagharutan pa nga at sobrang sweet. Hay paasa-gaming.
Panay-panay din na may tumatawag sa kanya. Siguro ba ka business matters lang?
Pero bakit wala akong alam?
Di'ba ako ang sekretarya nito? Sa pagkakaalam ko na settle na ang mga problema regarding sa bagong branch ng office na itinatayo doon.
Nakakapagtaka talaga.
"Let's call it a day. Ipapahatid na kita sa driver. Wag kang malelate bukas." Yun lang ang sinabi niya at pinaharurot na paalis ng NAIA ang kanyang sasakyan.
Pinukol ko ng mapanuring tingin si Manong Jim, ang driver ni Sir.
Dali-dali niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang hinuli ng mga pulis.
"Hala ka dyan, Ma'am. Wala po akong alam. Pramis po! Kahit itanong niyo pa sa Misis ko." Aniya.Umirap na lang ako at tinignan siya ng masama. "Wala ka namang asawa, Manong eh! Huwag mo nga akong pinaglololoko."
Natahimik ito at mabilis na pinaandar ang sasakyan patungong Sky Rise.
Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa din kung anonb problema ng mga tao sa mundo.
Halata naman kay Manong na nagsisinungaling ito. At halatado din si Sir na umiilag.
Malalaman ko din kung ano ang tinatago nila!
......
sa tamang panahon.■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
AN:Short Update. Thanks. I'm back ♥
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay CEO (COMPLETED)
Fiksi UmumHave you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahit na imposibleng mahalin din ako. at higit sa lahat. Nagmahal ako ng isang BAKLANG mahirap abutin. ...