Chapter 14

69.9K 1.6K 193
                                    

LITERAL na napa nga-nga ako nang marinig ko iyon. Bukod sa malulutong na mura at pagbebeast mode niya ay ang mga binitawan nitong salita ang nagpagimbal sa akin.

"Sayo lang ak--" magsasalita pa sana ako kaso bigla itong bumunghalit ng tawa. Sapo-sapo niya pa ang kanyang tyan at may pahampas-hampas epek pa.

Seriously? Anong nakakatawa?

Diba siya itong nagsabi na Akin ka? Eto na ba uso ngayon?

"Cut the crap, Bruha. I was just kidding." Matawa-tawa niyang sabi.

Teka...

Wait...

Sandali...

Tangnestea. KIDDING?! Walang hiya niloloko ba ko neto?

Binalingan ko siya ng tingin. Hayun tawa parin ng tawa ang gaga. Naiinis ako.

Kaya hinambalos ko siya ng hawak kong bag. Bahala na kung masira man ito patawarin nawa ako ni Michael Korrs.

"Gago ka! A-akala m-mo nakakatawa yon'!" Tsaka ko lang napansin na nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
"...shet akala ko t-totoo na. P-puta isang malaking j-joke lang pala."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang puso ko ngayon. UMASA ako. I thought unti unti na siyang nagbabago.

He stopped laughing at inalo niya ko. "I-i'm sorry, okay? I didn't know it will hurt you this much." Aniya at niyakap ako

Hikbi lang ang tanging nagawa ko. Damn this heart. Simpleng yakap at salita niya lang natutunaw na agad ang galit ko.

How can I resist this gaytard? Gay + Bastard.

"B-basta n-next time wag ka na magjoke ng g-ganon ah? Alam mo namang mabilis akong maniwala sa mga salita mong hayop ka." I joked.

Kumalas na ito sa pagkakayakap at nakipagtitigan sa akin. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito at halata mong seryoso.

All he did was stare, he didn't even spout a word.

Matapos ang mahabang titigan ay umayos na ito ng upo. Muling pinasibad niya ang kanyang sasakyan papuntang opisina.

●●●●

"Damn. That wasn't a joke." Bulong ng lalaking kanina pa hindi mapakali sa loob ng opisina nito.

Hindi ito makapag-isip ng tama dahil alam niyang muli na naman nitong pinaiyak ang babaeng lihim niyang minamahal.

Naiinis siya sa sarili niya.

All he could do is comfort her. Gustong-gusto na niyang sabihin sa babae ang tunay nitong nararamdaman.

Pero may bumabagabag sa isip at puso ng lalaking ito na siyang dahilan kung bakit di' niya maamin sa taong mahal niya ang kanyang damdamin

"This is not the right time, yet" muling bulong niya.

●●●●

GABI na at malapit na pumatak ang alas siyete y' medya. Ang pinaka-aantay na oras ng mga empleyedo. Well, ibahin niyo ko. Mas gusto ko pa nga tumira dito sa opisina kasama ang yummy sa loob yucky sa labas kong boss.

"Miranda, could you please come inside after your done?" Pag-aanunsyo ni Sir through intercom.

Luminga-linga ako sa paligid.

Sakto! Walang tao siguro'y asa baba na yung mga yun at atat ng mag-out.

Hinubad ko ang blazer na aking suot kaya ang natira na lang ay ang white na see-through ng bahagya kong blouse.

Landian time muna.

Napangisi na lang ako sa aking naiisip.

Tinulak ko na ang pinto patungong langit este patungo sa loob.

Pagbukas pa lang nito ay amoy na amoy ko na ang mahalimuyak na bango ng bulaklak. Joke.

Ano yun surf lang na commercial? Haha.

"Oh ambilis mo yata matapos?" Sabi niya at agad namang nagtaas ng tingin.

Pagkakita niya pa lang sa mukha ko magnitude 3.2 na. Yanig kung baga.

Bumaba ang mga mata nito sa aking suot. Ang pagyanig ay naging isang matinding tsunami.

His brow creased. "Hoy bruha, saang beerhouse ka pupunta at parang pang-hostess iyang suot mo?" He muttered.

Edi wow?

Grabe. Napaka judgemental naman ng isang to.

Umirap na lang ako at prenteng umupo sa upuan.

"Anyway, siguro naman ay naka-impake ka na ng gamit?"

What? Papalayasin na ba ko at bakit agad-agad? Bayad kaya yung condo ko!

Nahalata niya siguro na medyo nagpanic ako kaya binato ako nito ng ballpen.

"Aray ko po. Shyet ang hilig mo mambato, Sir. Asintado pa" tudyo ko.

Tumawa lang ito. "Baliw. Di'ba sinabi ko na sayo nung nakaraan na pupunta tayong Japan? D-U-H ulyanin ka na?"

Sa mga sandaling iyon...

Sure na ako.

I'm not really dreaming.

Seducing The Gay CEO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon