GOODLUCK. Iyan ang sinabi ko sa sarili ko bago pumasok sa building na 'to.
Unang araw ko ngayon sa trabaho dahil natanggap ako bilang secretary ng CEO.
Excited na ko!
Sana, may papabols akong mga katrabaho. Desperada na akong magka-jowa.
Papasok na ako sa elevator nang may bumangga sa aking lalaki.
Tumatakbo ito na parang may tinatakbuhang bumbay.
Nebeyen! Hello? Hindi to' Quiapo na pagnaka-bangga ka wala ng sorry-sorry. Lalakad na lang ng diretso at parang walang nangyare.
Nang makatayo ako, ay agad din akong tumakbo.
Marathon pala ah?
Akmang papasara na ang elevator nang iharang ko ang kamay ko dito.
Nakita kong nakayuko itong si kuyang kabayo kung tumakbo kaya inismiran ko na lang siya.
"Ayan! Takbo pa more. Mukhang aso ka tuloy, asong nakalawit lagi ang dila." bulong ko.
Totoo naman diba? May patakbo- takbo pa siyang nalalaman.
"Hoy ateng! Kala mo keganda-ganda mo. Anong masama sa pagtakbo?! Imbyerna to--"
Narinig niya pa yon'?
Hindi niya na tinuloy ang kanyang sasabihin at biglang tinakpan ang bibig.
Oh may G! Ang GWAPO pala niya. Mukhang foreigner, natural wala naman sigurong pilipino ang may blue eyes eh.
Makinis ang mukha nito na mapagkakamalan mong pambabae ang kutis.
Matatangos na ilong at mapupulang labi.
Papabols na sana! Kaso kapwa papabol din ang kanyang hanap!
Isang malaking 'SAYANG '
"Ay shet. Bakla pala." Hindi ko namalayang naibulong ko pati iyon. Kaya awtomatikong napatingin agad ako sa paligid, walang tao kaming dalawa lang!
Hindi maganda to. Pano kung sabunutan niya na lang ako bigla?
Adi kawawa ang feslak ko?
"Hoy miss. Sorry to burst your bubbles ah? Pero kung akala mo ako yung prince charming mo. Well? Wag kang ILUSYONADA!" ani nito.
Sasagot pa sana ako nang may narinig akong tunog hudyat ng paglapag namin sa 23rd floor kung saan ako pupunta.
Hinawi ko na lang ang buhok ko at inirapan ang baklang yon. Nagpatuloy na ako at lumabas na sa naturang elevator.
Wag magpaka badvibes!
Tse! Kailangan kong pang mag-adjust.
Oh Lord, please help me.
●●●●
MATAPOS akong i-orient ni Ma'am Jean, ang head ng HR Department, ay nagkwentuhan muna kami. Inaantay na lamang namin matapos ang board meeting kung saan naroon ang bagong Boss ko.
Madami akong nalaman tungkol sakanya. Sabi ni Ma'am Jean, bata pa lamang raw ito ay nakikitaan na ng galing sa paghahandle ng negosyo.Nakapagtapos ito sa ibang bansa, ng tumungtong ito sa edad na 26 ay pinabalik na siya upang imanage ang kumpanya.
Hindu ko pa siya nakikita pero napapahanga na ako sa galing nito.
Pero teka? Sana gwapo at macho!
Ay! Bet ko iyon.
Tahimik kong sinaway ang sarili ko. Ano ba 'to? Ang aga aga napakahalay ng utak ko.
Natigil ang usapan namin nang dumating ang assistant ni Ma'am Jean. Tapos na raw ang meeting 'ika nito.
"So pano ba 'yan? Ms. Ramos, let's go." yakag ni Ma'am Jean.
Habang papalapit ng papalapit ako sa frosted glass na pinto ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Bakit ako kinakabahan?
Hindi naman ako lalapain ng CEO eh.
Ah. Basta, ewan hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.Pagkabukas ng pinto agad bumungad sa akin ang maespasyong opisina nito.
Monochromatic ang kulay kaya napaka-dull tignan. Ang tanging nagbibigay buhay lang sa kwartong iyon ay ang isang malaking painting ng tanawin. Ang tema ay parang nasa gubat na may talon at lawa. Kung pagmamasdan mo ito ay mabibighani ka talaga.
Inikot ko pa ang aking paningin hanggang sa dumako ito sa tao na nakaupo sa swivel chair.
Napasinghap ako. Ano-o?!
Sa gulat ay hindi ko namalayang bumuka na pala ang bibig ko."Ikaw yung bakla sa elevator!"
Sa sitwasyong iyon sigurado akongI'm dead.
BINABASA MO ANG
Seducing The Gay CEO (COMPLETED)
General FictionHave you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahit na imposibleng mahalin din ako. at higit sa lahat. Nagmahal ako ng isang BAKLANG mahirap abutin. ...