[1] Writer's Block
Inspired by: Writer's block
Dedicated to: writers with writer's block
Maghapon siyang nakaharap sa isang maliwanag na screen
upang maihayag lang ang kaniyang mga nais sabihin
sa mundong kung minsan siya'y pinagkakaitan
ng panahon upang kaniyang hinaing ay pakinggan.
Ngunit ano ito?! Tila yata ang cursor ay kanina pa kumikindat
sa manunulat na nais lamang magbigay ng kuwentong magmumulat
sa mga mamamayan ng kaniyang minamahal na bansa
upang ang inaasam na pagbabago ay unti-unti nang madama.
Gusto niyang magsulat nang magsulat nang magsulat
ngunit ngayon sa mga salita ay salat.
Itinigil niya sandali ang pagtipa ng pilit
saka huminga nang malalim at pumikit.
Tumayo siya't iniwan sandali ang kaniyang kinauupuan
upang pagmasdan ang mundong ginagalawan.
Noon di'y nalunod ang kaniyang kaluluwa sa mga isipin
na siyang nagpaalalang muli ng tunay niyang layunin.
Napagtanto niyang hindi dapat laging idinadawit
ang pangalan ng sikat na sikat na sakit
sa biglaang pagtigil ng kuwentong mula sa imahinasyon
dahil ang karamdamang ito ay isa lamang ilusyon.
November 4, 2015
Ako'y Tutula by Darloine
BINABASA MO ANG
Ako'y Tutula
شِعرKoleksiyon ng mga tulang bunga ng kalayaan kong magpahayag ng sariling opinyon at damdamin tungkol sa lahat ng nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy ko rito sa mundo. Ako'y tutula... -D. Cover by: "Kai" (ang babaeng neutral sa mu...