CHAPTER 28
RAVEN'S POV
Inabot na kami ng sikat ng araw sa Luneta Park. Nakaupo ako sa Bench doon habang nakahiga naman si Kris na ginawang unan ang hita ko.
"Good Morning.." nakangiting bati niya sa akin na ginantihan ko din ng ngiti.
"Grabe ka.., tinulugan mo talaga ako.." sabi ko sabay pisil sa ilong niya. napa aray naman siya na kinatawa ko.
"Kahit kaylan talaga sadista ka.., pasalamat ka mahal kita eh.." parang bata na hinimas naman niya ang ilong na nasaktan na mas lalo kong kinatawa.
Pero napahinto ako sa pagtawa ng sumagi sa isip ko na umaga na... saan na kaya kami dadalhin ng pagtakas namin. At napabuntong hininga na lang ako.
"O.., bakit bigla ka namang nalungkot diyan?" tanong niya sabay haplos sa pisngi ko.
"Wala.., naiisip ko lang na sana maulit pa ito.. o di kaya.. tumigil nalang ang oras at ganito nalang tayo habang buhay."
"Pwede naman eh.., kung gusto mo tumakas nalang tayo.. I can take you away from here.." malungkot akong napangiti sa sinabi niya.
"Nakalimutan mo na ba yung confession ko sa'yo kagabi? Mafia Group leader ang pamilya ko.. kahit saan pa tayo magtago.. kahit dalhin mo pa ako sa Antartica.. mahahanap at mahahanap parin nila tayo."
Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa tabi ko.
"Edi.., harapin nalang natin sila.. I'll talk to them.." may determinasyon sa boses na sabi niya.
"Hindi pwede.., you don't know my Lolo.., He was never approachable. Kung si Papa siguro pwede mo pang makausap, pero maging siya nga din naman ay walang magawa sa mga desisyon ng Lolo ko. At isa pa, ayaw kung madamay ka dito Yabs.... I know what he can do para lang mapaghiwalay tayo.. kaya sana, may gusto akong ipakiusap sa'yo." Mataman niya naman akong tinitigan at hinintay niya ang sasabihin ko.
"Bumalik na kayo sa Cebu at doon mo nalang ako hintayin.. ako nalang ang gagawa ng paraan para malusutan 'to." Bumakas naman ang pagtutol sa mukha niya.
"No way.., diba sabi ko sa'yo na will fight for this together. Hindi kita pwedeng pabayaan at maghintay nalang.. Alam kong matapang ka Yabs.. tanggap ko naman na mas malakas at matibay ka kaysa sakin. Pero sana naman huwag mo akong tanggalan ng karapatang ipakita sa'yo na handa akong gawin ang lahat para sa'yo. Yabs.., please naman o.. ayaw ko kasi yung feeling na parang wala akong silbi.. na wala akong ginagawa para mailigtas ka."
"Yabs.., hindi mo kasi ako naiintindihan eh.., natatakot ako sa pwedeng mangyari sa'yo o sa mga taong nasa paligid mo kapag sinamahan mo ako sa laban na ito. Alam ko kung paano lumaban ang Lolo ko. Titirahin niya ang kahinaan ko at alam niyang ikaw yun,.. pero kung lalayo sa'kin. Hindi ka niya magagamit laban sa'kin yun ang gusto kong intindihin mo." Pinipilit kong ipaintindi sa kanya ang sitwasyon. Alam ko kasi kung gaano ka unfair ang Lolo ko. At ayaw kong mapahamak si Kris masunod lang ang gusto niya.
"Handa akong harapin siya.., hindi ako natatakot sa kanya."
"Pero ako oo... natatakot ako Yabs.. Hindi ko kakayanin kapag napahamak ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo ng dahil sa'kin." Napapikit ako ng mariin bago humarap ulit sa kanya.
"Kris.., makinig ka sa'kin.. mas kampante akong makakagawa ng paraan na hindi matuloy ang engagement ko sa ibang lalaki kung alam ko na nasa malayo ka pero safe. Please.., nakikiusap ako sa'yo.. umuwi ka na muna sa Cebu." Tututol pa sana ulit siya sakin pero naagaw ang atensyon namin ng bigla kaming palibutan ng mga Men In Black.

BINABASA MO ANG
ROYAL RIVALS Battle of the wolves
Hayran KurguSomething you would love to read.. a story.. you would never forget.. She's not a gangster.. but a notorious being.. she can kill you if she'd want to... So don't you dare..... Get on her way.... or else... it would be your LAST DAY.