Sinamahan ko si Drake sa Principals office pero di ko siya sinamahan sa loob. Tinignan ko muna yung mga Varsity kung tapos na sila pero hindi pa. Pati din sa Drum and Lyre hindi pa tapos.
Lumabas na nga si Drake sa office at tuwang tuwa siya. Baka naman pinapayagan ni Principal siyang magtransfer dito? Hmm sana oo, HAHA.
"Oh ano?" Sabi ko
"Pinayagan akong magtransfer dito!" Haynako, thanks Lord! Napaka-ganda ng biyayang ito. Haha
"Edi Nice!" Tumawa kaming dalawa.
"Dahil diyan treat kita" Wow! First time ko siyang makasama tapos libre na agad? Haha yes
"Sige ba saan?"
"Kung gusto mo sa Mcdonalds?" Ngumiti siya. Cuuuuute!
"Sige ba!" Ayun nga. Papunta na kami sa Mcdonalds ngayon at walang makakapigil sa amin! Haha pabebe lang?
TRAVIS'S POINT of VIEW
At last, natapos na din Tryouts. Bukas na ang selection. Sana makuha ako. Pauwi na ako ngayon. Iniwan ako nina Yesh at Rory. Kaya pupuntahan ko nalang si Shel sa room.
Nung pinuntahan ko siya wala naman. Pati din siya, nang-iiwan. Bakit? Haha. Ako din ang may kasalanan kasi di ko in-inform.
Magisa nalang ako uuwi muna ngayon. Naglalakad na ako palabas ng school at may nabanga ako. Nahulog yung paper niya. Parang requirements eh.
Pinulot namin yung mga papel niya. Alam niyo naman ang mangyayari kung last paper na diba? Maghahawakan ang kamay, magtititigan at tatayo. Yun din ang nagawa namin. Haha
"Oh? Sorry Pala" Sabi ko
"No, it's okay" Sabi niya. Ganda niya. Ibang klase eh.
"I'm Travis Romero, ikaw?"
"I'm Tanya, Pumunta ako dito kasi magtratransfer ako" Huh? Yeahh!
"Samahan kita sa Principals office?" Tanong ko. Para naman magkaroon kami ng time sa isa't isa.
"Okay!" Ngumiti siya. Ganda ganda niya kapag nakangiti.
"Nasa Langit ka ba kanina?" Pumi-pickup naman ako. Haha masama?
"Hindi, Nasa lupa ako" Tumawa ako. Pero siya weird look. Di niya ata alam ang Pick-up lines. Haha joke
"Bakit dapat ang sabihin mo"
"Okay, Hindi Bakit naman?"
"Nandoon ka kanina ngayon bumagsak ka sa puso ko" Napangiti ko ulit siya.
"So cute!" Sus, dati pa no.
"Ako?" Ngumiti ako at umiiling iling pa. Haha
"Yung Pick-up line" Tapos tumawa siya. Haha mas lalong gumanda.
"Tara na nga" Sabi ko.
Nakarating na kami sa Principals office.
"So? Sana payagan ka" Sana nga!
"Sana nga eh, Thank you pala sa paghatid!"
"No, It's okay. Can I get your number?" Ngumiti siya at binigay nga niya.
"Okay text text nalang tayo" Ngumiti siya at nag'yes'. Pumasok na siya sa loob at umuwi na din ako.
Pagdating ko sa bahay diretso stalk sa kanya. Haha. Sinearch ko yung TANYA. Di niya naman sinabi yung surname niya. Mahihirapan ako neto.
SHELO'S POINT of VIEW
Palabas na nga kami ni Drake sa Mcdo kasi katatapos lang namin kumain. Nakakahiya nga eh siya nagbayad nang lahat.
"Drake Thanks ah?"
"Your Welcome dude" Ngumiti siya! Gwapooo!
"Sana Facebook Status nalang ako no?" Pumipick-up na naman ako. Haha
"Bakit naman?"
"Para i-like mo na din ako" Tumawa kaming dalawa.
"Paano nalang kung nai-share na kita?" Tumawa kami ulit. Haha hirap ng tanong niya.
"Edi di nalang ako magiging facebook status!" Tumawa kami ulit. Puro tawa asawa ni towo. Haha
"Number mo nga?" Sabi niya
"Bakit?"
"Shunga, di'to pick-up line! Haha" Tumawa kami at nagbigayan kami ng number at umuwi na din.
Pagdating ko sa bahay Stalk Agad. Mahihirapan ako neto! Di niya sinabi apelyedo niya. Huhu
(Authors Note!)
Next week po yung update ko. Di ko prinomise pero gagawin ko. Thanks for making it this far! Vote, Comment at I-share niyo ang story kong ito, Malaking biyaya na yun sa akin para maging popular ito. Thanks Guys! Chapter 11 is coming next week.
Use the Hashtag #STTPwp Para madiscover story ko. Thanks Guys! Mwahhh tsup tsup. Haha
BINABASA MO ANG
Stick to the Plan
Teen FictionSa Love, di mo alam kung sino ang tadhana mo. Kusang tinutulak ng hangin ito para lumapit sa iyong puso. Pero wag mong pilitin kung ang taong mahal mo ay Hindi para sayo, Kase ikaw din ang masasaktan Sa isang Plano na binuo ng Pag-ibig, Magagawa kay...