STTP (12)

2 3 0
                                    

SHEL'S POINT OF VIEW

Nandito na ko sa School, kasama ko si Travis dito. May hinihintay kami. Hinihintay ko lang namam ay si Drake! Haha. Kanina 6:30 pa kami dito. Aga namin no? 6:30 pa naman ako gumigising ng umaga. Haha

Nakahawak ako ng Chocolates para kay Drake. Si Travis naman nakahawak ng Bouquet. Di ko alam kung para saan eh. Baka sa crush?

Di ako magseselos no! Na-unlove ko na siya. He's now my besty you know? Haha.

After blank minutes......

Nandyan na siya!!!! Pero may kasamang babae sinu ata yun? Weird. Baka naman friend niya diba? Ewan ko. Sana hindi Girlfriend.

Punong-puno ng Babae sa paligid niya. Nakatulala. At kung ano pa ang dadaanan niya ay mahuhulog yung panty nila. Nasa movies to eh? Kung fu Divas? Oo nga yun.

Pero ibang klase ito. Pati na Bra ay mahuhulog. Haha. Pero di ako natawa sa nakita ko. Nakikipaghalikan na si Drake. Sinu yung babaeng yun? Ang Fierce niya. Omyggg. Nakain ko na lang yung chocolates na umiiyak habang pinapanood silang naghahalikan.

"Aaaaaaahhhhhh!" Omygg! It was just a dream. Hayna. Buti hindi na totoo. Magpapakamatay na lang ako kung totoo yun. Haha

Breathe in.....

Breathe out......

Naligo na ako at nagayos na din. Ihahanda ko na rin yung chocolates para sa kanya.

Sana di magkatotoo yung panaginip na yun. Pshh so creepy.

TRAVIS'S POINT OF VIEW

Kasama ko na ngayon si Shel sa school. Nakahawak ako ng Bouquet para kay Tanya. Si Shel naman may dalang chocolates ewan ko baka may pagbibigyan.

Andyan na Si Tanya! Naglalakad na siya papunta sa akin pero bakit may kasama siya? Ohhhmyg. This is so not Good!

Lahat ng dinadaan niyang lalake ay napapa-flyaway. Natutuwa nga ako eh. May ganun pala siyang kapangyarihan. Pero di ako natuwa sa nakikita ko ngayon at di ko akalain na may kapangyarihan siyang ganun, Ang makipaghalikan! Ouch, Sakeet.

Sinu kaya yung lalakeng iyun? Mukhang mayabang. Pshhhh. Tangna.

Nahulog ko nalang yung Bouquet at tumakbo pauwi. Di ko kayang tignan yung eksenang yun. Masyadong RATED SPG sa mga batang nagbabasa neto. Haha

"Aaaaaaahhhhhhh!" What the F! Sht men! Buti bangungot lang yun. Kung hindi mamamatay na ako. Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari mamaya.

Anyways, naligo nalang ako habang may time pa. Nagayos ako. Handa na rin yung Bouquet ko para kay Tanya.

YESH'S POINT OF VIEW

Gising na ako. It's now 6:00. I need to prepare. Magtatapat na ako kay Rory. Handa na yung ibibigay kong gift. T-shirt lang naman. Pero sisiguraduhin kong magugustuhan niya yung Gift ko.

Naligo ako at nagayos. Sana naman mahal din ako ni Rory. Mahirap to para sa akin kasi si Rory crush niya si Shel noon. Noon lang, pero baka pati pa ngayon? Crush ko din si Rory noon pero bumabalik naman ulit. I'm scared.

*Flashback*

Nung nadapa si Shel sa canteen at tumatawa ako bigla nalang sumakit yung puso ko kasi nakita ko si Rory na tinutulungan siya. Jealousy strikes.

Dinaan ko nalang sa Tawa yung selos ko. Para di makahalata. Bumabalik na yung pagca-crush ko kay Rory. Hindi! Di ito maaari.

*Ended*

Nasaktan ako konti lang at pumunta na sa school.

I'M READY!

Stick to the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon