STTP (15)

1 1 0
                                    

SHEL'S POINT OF VIEW

Nage-fb ako ngayon. Hoy! FYI, Di ko stino-stalk si Drake. Di ko siya ma-stalk kasi kachat ko na siya ngayon. 2 hours and 30 minutes and 1 second na ata eh. Haha

Ganda niyang kachat. Si Thea naman sumisilip at ako naman linalayo ko yung laptop sa kanya.

"Ano yan ate?" Sabay turo sa laptop

"Laptop?"

"Tanga, yang ginagawa mo sa laptop" Sorry naman!

"None of your business"

"Edi none!" Nagtampo siya at ako tawa ng tawa. Haha.

Pero ilang saglit lang ay may papalapit sa akin. At nakita ko si Papa, parang suspicious look siya eh.

"Anak, ano yan?"

"Laptop?"

"Tangaers!"

"May kachat kasi ako"

"Patingin! Baka maganda yan ah!" Sabi ni papa. Haha ang landi, tanda tanda pa naman.

"Che! Alis shooo!" Aso lang?

"Wag na pa, sige baka babalikan ka ni mama" Napatigil kami dahil sa sinabi ni Thea. Nalungkot si Dad kaya umalis. Kainis si sistah!

"hala ka! Tsk"

"Ate, sorry"

"Bakit ako?"

"Edi Sorry laptop?" Sinapak ko siya pero mahina lang naman.

"Kaya mong magsorry. Sige na, gawin mo na" Nag 'yes' lang siya. Sigurado na din akong okay na sila.

Pagtingin ko sa laptop ko, OFFLINE na si Drake -_- Isssssh! Nagpagulong-gulong lang ako at sumigaw sigaw. Eeeer!

Pero napatigil ako dahil may nagbeep sa laptop. Kinita ko agad, pero hindi si Drake! Si Yesh.

Yesh: Hey, Shel? Wag mong sabihin to sa iba ah?

Me: OKaY ane YeN?

Yesh: kasi.... Kasi?

Me: KaSI?

Yesh: Mahal ko si Rory at pinayagan ko siyang magligaw.

Me: Jeje, soooo?

Yesh: Kainis ka naman eh, Tulungan mo ako

Me: Oo na nga. Pero tandaan mo, wag kang maniniwala sa mga pangako niya dahil di niya rin ito tutuparin.

Yesh: Ang drama mo! Alam mo naman diba na di ako nagpapaloko?

Me: Ehhh, sige na. Bye!

Yesh: Tulungan mo nalang ako.

Me: *SEEN*

Ganyan talaga ako, mahilig magseen pero kapag crush ko Go lang nang Go! Di ko din naman pinapaasa sarili ko pero di ako mawawalan ng pag-asa.

Nagoff na ako at natulog, pati na din si na Thea at Papa.

I just wonder, may magmamahal pa ba sa akin? I hope so.

It's monday na! Finast-forward ko na eh. Haha. One week na kaming magkakasama nina Drake at Tanya. Magkakabarkada nga kami eh. Si Rory naman malapit na malapit ng makamit ang trono niya. Haha

Eh ako? Kailan ko makakamit yung dapat sa akin? I think malapit na. Madalas kasi kami ni Drake magkachat eh. Every Night na nga eh. Si Papa naman, Naglalasing. Di niya kasi makalimutan si nanay. Buti pa sila, nagmamahalan parin kahit hiwalay na sila. Eh ako? Seconds palang eh iiwan na ako.

*SLAP*

"Nakatunganga ka naman diyan" Sabi ni Travis sa akin sabay clinose yung mouth ko.

"Wala wala lang"

"May problema ka, kilala kita"

"Oo meron"

"Parehas pala tayo" Nagulat ako sa sinabi ni Travis.

"Ano yun?"

"Kasi di ko alam kung magiging kami pa ni Tanya"

"Di ko din alam kung magiging kami ni Drake"

"TAENA! ALAM KO NA!" Sigaw niya kaya napatingin lahat ng tao sa kanya. Nandito kami sa bench, lunch na kasi eh.

"Anong alam mo?"

Nagi-evil laugh lang siya. Nag-glare lang ako sa kanya. Ano kaya yung alam niya? Tanga ko naman.

Stick to the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon