STTP (13)

1 2 0
                                    

SHEL'S POINT OF VIEW

Papunta na ako sa school. Tatawagan ko si Travis kung nandoon na siya. Sasabihin ko lang naman na samahan niya muna ako doon sa binabalak ko.

Tatawagan ko na sana pero nauna naman siyang tumawag.

Bzzzzzzzt

Bzzzzzzzt

Travis Calling...

Me: Punta ka sa School ASAP

Travis: Nandito na ako eh.

Me: Sige, Napatawag ka?

Travis: Samahan mo ako sa gagawin ko

Me: May gagawin din naman ako. Samahan mo muna ako.

Travis: Hmm, Sige na nga.

Me: Thank you! Bye!

Travis: Sige

CALL ENDED

Bumaba na ako sa kotse at tumakbo papuntang school gate. Eksakto, nakita ko si Travis.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko

"May hihintayin ako. Samahan mo akong maghintay" Sabi niya

"May hihintayin din ako. Samahan mo din ako ah?"

"Psssh No problem"

Hinihintay ko na si Drake pero wala pa din. Nainip na kami Travis kaya sa Classroom na namin hihintayin.

Nandito na kami sa Classroom naghihintay. After blank minutes.....

He's really here!

Paparating na siya sa akin. Nagsmile nga siya at nag'hello' eh. Di naman nangyari yung nasa panaginip ko. Wala yung babae, Walang mga babaeng nakapaligid at walang halikan.

Napanganga nalang ako kakatitig sa kanya. Di ko namalayan nasa harapan ko na pala si Drake! Ang tangkad kasi di ko makita. Nakanganga parin ako. Haha

"Huy? Huy? Shel?" Sinampal sampal niya ng mahina para hindi na ako matulala pero nakatulala parin ako.

"Oopss, Laway mo!" At doon ako nagising sa pagkatulala ko sa kanya. Agad niyang kinuha yung panyo niya para di hayaang tumulo yung laway ko. Yieeeee

"Ah? Ah sorry?" Pabebe ko talaga ever! Haha

"No, It's okay" Ngumiti siya. Ang gwapo niya! Hah

"Samahan na kita sa Section mo, Ano nga ba Section mo?" Tanong ko sa kanya. Sana magkasection kami!

"Sa section A ako" At dun nawasak ang mundo ko. Di kami magkasection? Anu ba yannn! Huhu

"Wag di na kita sasamahan"

"Huh?" Ah? Bakit ko nasabi yun? Tanga -_-

"Ah wala, Samahan na kita. Malapit lang naman eh"

"Ah sige ba" Wooooh, Nakalusot na din ako. Nagpaalam na ako kay Travis na mauna na ako.

"Bakit mo ako iiwan? Akala ko pa naman hihintayin mo ako pero iiwan mo naman ako. Pssh Mang-iiwan" Sabi ni Travis. Nagdradrama na naman si Bespren oh?

"Diyan ka na nga!" Sabi ko

"Sige mauna ka na" And umalis na kami and Show him the way.

TRAVIS'S POINT OF VIEW

"sige Mauna ka na" Sabi ko kay Shelo at iniwan tuloy ako. Hayaan mo nayan. Pagbalik ko sa pwesto ko.

Andyan na siya... si Tanya

Papalapit na nga siya sa akin. Tumakbo nga siya eh. Haha. Ayun nadapa kaya tumakbo ako papunta sa kanya at tinulungang tumayo.

Nakatayo na nga siya at pinapagpag yung suot niya "Thanks Travis"

"Wala yun. Hatid na kita sa Section mo" Ngumiti kaming dalawa.

"Sa section A ako"

Di ako nakasalita. Akala ko pa naman kung magkasection kami. Pshhhh

"Travis?"

"Ah? Ah sige samahan kita" Sabi ko sa kanya. Di ko pinahalata na nalulungkot ako. Hmmm

And ayun, Nakapasok na siya sa section niya at nagpaalam ako. Flag ceremony kasi at kailangan ko nang pumunta sa Room.

Di kami magkasection -_-

Stick to the PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon