Natapos na ang school hours, Malamang Dismissal na namin. Ang problema, Umulan ng malakas. Buti nalang may dala kaming payong. Lalabas na sana kami sa Gate pero nakita ko si Travis walang kasama. Kawawa naman siya.
"Uhmm? Yesh mauna ka na pala peryahan ah?" Oo, Perya Girls kami. Yung ginagawa lang naman namin ay yung mga rides at games eh. Masama ba? Haha
"Bakit! Wala akong kasamang uuwi" Ayan nagdadabog na siya sa akin
"Sasamahan nalang kita pauwi" Sinu yun? Ommyg si Rory lang naman eh. May gusto na ata kay Yesh.
"Huh? Ayoko! Samahan mo ako Shel (baka anong gagawin sa akin)" Binulong niya yung last part sa akin.
"Gaga. Sige Rory! The price is yours, Take her Home na" Ginawang contest prize? Haha baliw
"Anong pinagsasabi mo!" Sigaw sa akin ni Yesh. Hinila na lang ni Rory siya paalis. Haha sweet nila. Nag 'goodbye' nalang ako at linapitan si Travis.
"Travis?"
"Ah Ikaw. Ano pala pangalan mo? Di mo kasi sinabi sa akin kanina eh" Ah di ko pala nasabi no? Haha
"Ako si Shelo, Shel Romero" Ngumiti ako at pati din siya. Ganda ng ipin. Nakakalusaw, Lupa lamunin mo na akooooo
"Oh ganun. Derived yung name mo sa Shell at pati yung Gas station. Haha" Tumawa kami parehas.
"Saan ka umuuwi?" Tanong niya.
"Sa Puso mo? Saan ka uuwi?" Bakit mo nasabi yun! Pero at least, napatawa ko siya.
"Maglalakad ako pauwi eh. Maglalakad akong hanggang sa makarating ako sa finish line" What? Bakit di mo sinabi. (sinabi na niya no? Haynako) ayan na naman ang sarili ko. Finish line?
"Saan ba yung Finish Line?" Tinatanong mo pa, eh alam mo naman eh.
"Edi Sa Puso mo din" Tumawa kaming dalawa pero sa akin peke. Haha. Alam ko naman kasi yung Pick-up line eh. Haha
"Ako mage-eroplano ako pauwi" Sabi ko
"Wag, Paano kung magca-crush"
"Edi sa Puso mo din naman ang bagsak ko eh" Tumawa kami ulit. Paumanhin po sa Pagka-corny ko ah? Haha
"Tama na nga yan. Haha uwi na tayo" Gusto ko na ding umuwi. Haha
"Eh saan tayo uuwi?"
"Sa mga bahay natin, akala mo sa puso naman? Haha" Akala ko lang pala. Haha
"Akala ko kasi Pick-up lines yun eh? Haha"
Lumabas na kami sa gate, Time na ngayon ay 4:45 wala na ang ulan. Papunta na kami sa may paradahan ng Tricycles. Malapit na kami dun pero Lumakas yung ulan. Buti wala akong dalang books kundi nabasa na.
"May payong ka diyan?" Tanong niya sa akin.
"Meron" Kinalkal ko yung bag ko pero wala. So clear na wala eh. "Sorry Wala, meron lang yun eh"
"Shunga, Naiwan mo kanina sa puso mo este sa school pala!" OO NGA! GRRR
"Sorry ah Tanga kasi ako minsan este palagi" Totoo naman eh
"Haynako, Mas tanga ako sayo" Paano? Bakit?
"Huh?"
"Heto ako basang basa sa ulan! Walang masisilungan walang malalapitan" Kumanta siya. Oh my ang ganda ng boses niya. Tapos nag sundance kami. Humanda nalang sila Sarah at John Lloyd. Haha joke
"Sana may luha pa. Wah blah wah wah" Di namin alam yung lyrics. Haha. Pero bigla nalang nawala. Dumeretso na kami sa may paradahan at umuwi na nga.
May kakaibang feeling ako? Diko lang alam?
BINABASA MO ANG
Stick to the Plan
Teen FictionSa Love, di mo alam kung sino ang tadhana mo. Kusang tinutulak ng hangin ito para lumapit sa iyong puso. Pero wag mong pilitin kung ang taong mahal mo ay Hindi para sayo, Kase ikaw din ang masasaktan Sa isang Plano na binuo ng Pag-ibig, Magagawa kay...