"OH MY GGGGGG!" Yun lang nasabi ko pagkakita ko mismo sa Gwapong nasa harapan ko.
Ang tangkad, bango, at gwapo niya. Kakaiba sa mga kilala kong lalake. Tumingin siya sa akin. Ako naman nagpabebe move. Naghe-hair flip ako tsaka naglipe bite, Landi ko no? Di ko naman kasi alam mangakit. Diba nga Tanga ka! Wala ka talagang alam! Oh ayan na naman, kinakausap ko sarili ko.
Tinignan niya ako seriously at di ko namalayan naghahalikan na pala kami. Yiieeee!
Yesh- *SLAP*
Nagising ako na hinahalikan yung dibdib niya. Urgh! Ano ba yan kala ko totoo na, Imahinasyon ko lang pala yun. Ish Katakot. Haha.
"Back off Dude!" Sigaw niya sa akin ng Malakas na malakas na maririnig hanggang sa ibabaw ng mundo.
"Tara na, baka mas umiinit ang ulo niyan kung nandirito pa tayo" Bulong sa akin ni Yesh.
Umalis nga kami pero habang umaalis kami Tinititigan ko siya hanggang sa matunaw na parang ice cream. Haha
"Kriiiiiiiiiiing" Sabi yan ng bell namin at mismo sa itaas namin na nagbell. Nabingi na ata kami nagFly away tuloy yung mga bag namin at dala.
"Uy! Tara na sa Section natin, Magfla-flag ceremony pa tayo eh" Sabi ko na dinadalian ang paghila kay Yesh sa Room namin at siya naman pinipigilan ako sa paghila.
"Tanga ka talaga Ever! First day ngayon paano magkakaroon ng Flag Ceremony? Shungaers! Haha" Sabi niya. Ay oo nga no? Nu bayan! Hmph
"Errr Haha Tara na sa Room"
Pagpunta namin sa Room lahat na sila nakaupo pero wala yung Teacher namin. Pumunta kami sa likod para dun pumwesto. After 5 minutes, Nakarating din yung teacher namin.
Nag-introduce siya blah blah blah. Siya daw si Mr. Lopez eh. Bago siya dito. Mabuti naman siya eh saktong sakto sa amin. Buti nalang nandito ako sa section na ito.
Recess time na namin. As usual, sabay kami ni bespren. Tumatakbo kami papuntang canteen, para kaming bata. Kapag binagal kasi namin dadami yung mga tao. Siksikan at singitan naman kasi ang ginagawa ng mga students. Pagdating namin sa canteen nadapa ako. Ouchhh.
Walang tumulong sa akin -_- Kawawa naman ako. Si Yesh tumatawa siya na parang wala lang. Nasanay na ako diyan. Pagtayo ko may umalok sa akin ng tulong, Nalate ka pare! Pero pagkita ko si Rory lang pala. Siya yung classmate ko, Gwapo din pero di ko siya type. Crush niya ako eh. (eh tinatanong ba nila?) Haha
"Wag na, nakatayo na ako." Pinipigilan niya tawa niya. Sinampal ko sana to eh!
"Ah ganun ba? Samahan na kitang bumili"
"Sige ba, Oy Yesh tara na!" Pagtingin ko sa kanya. Nakaupo siya na tumatawa.
"Wag ka ngang tumatawa diyan!" Sabay kami ni Rory. Siya tawa pa din ng tawa. Pinagtinginan na siya ng lahat. At tumatawa pa din at ayun, NAKA-UTOT HAHA.
"Kami na naman ang Tatawa ngayon, Haha" Eh lahat na nang tao sa canteen tumawa niya. Lumingon ako nakita ko yung lalakeng "Backoff dude" Eh wala, blank face at di tumatawa. Seryoso ng mukha oh?
Ayun, Di kami nakapag-recess dahil sa tawanan namin at yung mga ibang tao na tumatawa naka-utot din. Haha
BINABASA MO ANG
Stick to the Plan
Roman pour AdolescentsSa Love, di mo alam kung sino ang tadhana mo. Kusang tinutulak ng hangin ito para lumapit sa iyong puso. Pero wag mong pilitin kung ang taong mahal mo ay Hindi para sayo, Kase ikaw din ang masasaktan Sa isang Plano na binuo ng Pag-ibig, Magagawa kay...