Since tanong yung previous chapter, Sagarin na natin ang tanong chapters! Kaloka! Naloka ako sa mga pinaggagagawa ko.
Paano daw magtapat? XD Kailangan may daw kasi hindi ko pa to nagagawa. Eto ay parang practice para sakin. Nyaha!
Paano nga ba? Since makapal naman ang mukha natin. Siguro dapat magtapat ka na sa kanya! Kung hindi ka magtatapat, paano mo malalaman kung may pag-asa ka ba sa kanya?
Ang pagtatapat, hindi lang yan para sa mga lalaki. Girls can do it also, noh. Never underestimate your powers, girls.
Lagi kong sinasabi na dapat magpaka- Maria Clara ang mga babae dahil tayo ay mga dalagang Pilipina pero may times din na dapat lakasan ang loob at sabihin na kay crush ang tunay na nararamdaman.
2 years mo na siyang crush pero hanggang ngayon, hanggang tingin ka pa rin. Ano na? Anong balak mo sa buhay? Balak mo bang titigan na lang siya hanggang sa makapangasawa na siya? Wag ganun, dre. Uso move on sa buhay.
Paano nga ba magtapat? May mga nabuo akong conclusions kung paano yan gawin though hindi ko pa siya nata-try. XD For fun lang naman.
#1 Practice
Sabi nila 'Practice makes perfect' daw, madali lang naman mag-practice diba?? Practice ka sa harap ng mirror, dude.
Ganito yan..
Habang nakaharap ka sa mirror ay ganito ang sasabihin mo..
"*toooooooot* crush kita. 2 years na kitang crush *tooooooot*."
Note: *toooooooooot* means the name of your crush. XD
Oh diba? Madali lang sabihin pero mahirap gawin XD
#2 Lakas ng loob
Kailangang kailangan mo ang lakas ng loob at tibay ng sikmura. Hindi pwede yung mahihiya ka kapag magtatapat ka. Hindi rin pwedeng magpapasama ka pa sa friend mo kapag magtatapat ka, ano yan?! May back-up ka?! Kapag na-reject ka kailangan may back-up ka kaya sinama mo si friend?! Wag ganun. Kailangan sarili mong gawin yan. Wag ka ng mandamay pa ng iba.
#3 Lumapit ka sa kanya
Eto na yung real deal. Kailangan mo siyang lapitan para makapagtapat ka! Ano yun?! Isisigaw mo na gusto mo siya eh nasa fourth floor ka samantalang nasa 1st floor lang siya. Nakakahiya yun kapag na-reject ka.
Kailangan mo siyang lapitan.. At there, sabihin mo na ang tunay mong nararamdaman.
#4 Love Letter
Madali lang ang solusyon kung hindi mo talaga siya kayang harapin. Love letter lang yan. Isulat mo sa love letter ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya.. Bahala ka ng dumiskarte..
Kapag tapos ka ng magsulat.. Palihim mong ilagay sa bag niya. Sorry ka na lang kung hindi siya nagbubukas ng bag pagdating sa bahay niya.
#5 Be yourself
Eto ang pinaka importante sa lahat ng dapat mong gawin. Just be yourself kapag kaharap mo na siya. Wag yung marami ka pang sinasabing iba, dapat straight to the point mong sabihin gusto mo siya.
Madali lang naman magpakasarili.. Masama naman yung magpapanggap kang mahinhin sa harap niya kung ang totoo ay isa kang madaldal na bata.
Remember that people will love you the way you are.. Pero imposibleng walang taong hindi maghe-hate sayo.. Just accept the fact na ikaw yan at kailangan mong tanggapin ang sarili mo.
#6 Just..
Just do the #5. XD Ayan, malinaw tayo ha. Number 5 na lang gawin niyo. Nyahaha!
Alam kong mahirap magtapat sa taong may lihim kang pagtingin pero kailangan mo na talagang sabihin sa kanya para alam mo kung may pag-asa ka ba o hindi..
Kung gusto ka rin niya, edi magpa-fiesta ka sa buong barangay..
Kung rejected ka.. Move on, move on din.. Maraming isda diyan sa tabi tabi.
Yun lang.. I love you all! -____-

BINABASA MO ANG
Uy! Si Crush Oh! Ayieeee!
Teen FictionWag kayo magulo. Andiyan si crush! Ano? Maganda na ba ko?! Uy, nakatingin ba siya sakin?! Migash!! Sakin nga! Nagkasalubog kami ni crush sa hallway! Crush niya siguro ako! Lels. Yan ang lines nating mga hanggang tingin na lang. Ang saklap diba? Masa...