#4 Parehas Kaming Absent Kahapon!
Sana sapian ako ng kaartehan ngayon para maisulat ko ito ng maayos XD -EM
Okie Dokie :3
Pairain ang kaartehan! Perowag naman masyado!! -___-
Eto yun eh! Yung um-absent ka kahapon because of some reasons tapos present ka today. Syempre chismisan muna with your friends!! Kwentuhan kung ano ang nangyari kahapon pati na rin kung anong nangyari sa favorite na TV series! Kailangan wag kang magpahuli!
Tapos ayun na nga.. May naikwento ang bestfriend mo sayo..
At yun ay ang kadalihanang absent din pala si crush kahapon!!!
"Huy girl, alam mo ba.." -BFF
"Ano? Ano?" -ikaw dahil isa kang dakilang chismosa.
"Absent din SIYA kahapon." -BFF *with matching kiliti sa tagiliran mo*
"OHH? Talaga?!" -Kinikilig ka na to the bones na gusto mo sanang sumigaw ng MEANT TO BE KAMI!!
"Oo." -BFF (supportive ang mga bestfriend pagdating sa crush.)
"Dali. Tuksuhin mo nga kaming dalawa." -Aminin mo, minsan gusto mo yung tutuksuhin kayong dalawa.
So ayun na nga. Nag-start na ang klase nyo at tinanong na kayo kung bakit kayo absent na dalawa.Kilig duhbuh?? Yung tatanungin kayong dalawa ng..
"Bakit absent KAYONG DALAWA?" Oo!! Emphasized ang Kayong Dalawa!!! Dahil parang sinasabing Kayo na!!!! KILIG TO THE MAX!
Hindi mo ipapahalatang kinikilig ka syempre!! Itago muna sa kili-kili ang kilig~! XD
And there, mag-eexplain ka sa teacher niyong super friendly at ganun din si crush. OH DIBA?! PARANG INE-EXPLAIN NIYO KUNG BAKIT KAYO GINABI NG UWI SA PARENTS NIYO DAHIL NAG-DATE KAYO! >//////<
And si bestfriend mo ay nag-aantay na sa senyas mo!! Senyas kung kelan kayo dapat tuksuhin! XD Ang kire-kire lang oh!
So, yun na nga!! Sumenyas ka na ng Go!-Tuksuhin-Mo-Na-Kami Look!!
Kaya naman..
"Huy, bakit parehas kayong absent kahapon??"
"Nag-date kayo noh??"
"Oo nga! Ayieeeee!!!!"
Magsisimula na ang BFF mo at syempre makikisawsaw na rin ang iba mong classmates sa panunukso.
Syempre ide-deny mo muna yan. Kunwari wala ka munang feelings para kay crush. XD
Alam nyo kasi, na kapag tinutukso ang dalawang tao.. Mas lalo silang nagkaka-developan!! Opinion lang kumbaga. XD Pero parang totoo rin siya, duhbuh?
Pero ang masakit..
Ay ang sabihin niyang..
"TUMIGIL NA NGA KAYO! YAN?! IDE-DATE KO?! HINDI KO SIYA CRUSH, NOH!!!"
<//////3 OUCH!!!!! ISANG BALDE NG TUBIG ANG BUMUHOS SAYO!!! GAWIN NA NATING TANGKE NG TUBIG!!!!
Naramdaman ko yung ganyan, eh. TwT Yung tinutukso kayo ng mga classmates niyo tapos sasabihin niya yan. Grabe!!! Masakit eh!!! Tagos hanggang bituka!!! Sobra!!!
Pero wag kayong mag-alala..
Ang mga lalaki kasi.. In denial yang mga yan..
Minsan ayaw muna nilang aminin na kinikilig din sila..
Kaya wag ka munang magpalamay diyan..
Pero wag ka ring masyadong umasa XD (Ang gulo, noh?)
May mga lalaki kaseng straightforward sa mga sinasabi nila. Minsan totoo rin sila magsalita. Kaya wag ka ng umasa. TwT Ramdam naman kita.
***********
BINABASA MO ANG
Uy! Si Crush Oh! Ayieeee!
Teen FictionWag kayo magulo. Andiyan si crush! Ano? Maganda na ba ko?! Uy, nakatingin ba siya sakin?! Migash!! Sakin nga! Nagkasalubog kami ni crush sa hallway! Crush niya siguro ako! Lels. Yan ang lines nating mga hanggang tingin na lang. Ang saklap diba? Masa...