#12 Stalker Ako!
These past few days medyo tinamad akong mag-UD dahil wala akong real life inspiration. As in yung buhay na tao. Ang mga crush ko kasi ngayon ay kundi anime ay Korean boys. I know na pathetic ako. Ako na pathetic! Pero dahil love ko ang kalokohan kong ito, ginawa kong inspirasiyon si ex-crush. Waha!
Alam niyo bang stalker ako? Lol! Ako na stalker kayo na hinde! Pero hindi naman ako stalker na pati hanggang pangungulangot ni crush aalamin ko. Na mistulang pati deodorant na gamit niya aalamin ko, noh. Hindi naman po ako ganun.
Isa kasi akong baliw na babae kaya nagagawa ko ang mga ganitong bagay. Lels! Ssshhh. Walang maingay! Secret to!
Paano nga ba i-stalk si crush? Ngayon, matuto kayo ng pure kalokohan ng isang monster! Mwuahaha!
Una! Dapat alam mo ang full name niya! first name, nick name, second name, third name, middle name, at surname! Dapat walang mintis!
Pangalawa! Alamin ang favorites! Yung tipong pang-slumbook! Kung gusto mo pasagutin mo na lan siya sa slumbook eh. Mas hindi ka pa mahihirapan!
Pangatlo! Alamin kung sino ang friends niya, kung may gf na siya, kung may girl bestfriend siya. Dapat alam mo yan kasi nga kailangan mo rin ang friends niyang si crush minsan for informations!
Pang-apat! Dapat kilalanin mo ang parents niya ng hindi nila nalalaman! Nagawa ko kaya yan, kaya kaya niyo na yan!
Panglima! Ikaw na lang ang bahala kung ano pa ang gusto mong malaman tungkol sa kanya. Kung gusto mong malaman ang brand ng brief niya, aba! Go lang go! Globe Prepaid!
Masarap i-stalk si crush. Masarap yung alam mo yung mga bagay na hindi pa nalalaman ng ibang tao. Masarap yung feeling mo close kayo dahil sa mga alam mo.
Pero, may limitations ang pagii-stalk kay crush. Wag kang sobra teh! Baka naman hanggang sa banyo eh sinusundan mo yan! Wag ganun! Dapat magpakababae ka, girl! Dalagang Plipina kuno!
Pero remember na may bad effects din ang pagii-stalk niyo kay crush.
Pwedeng kapag nalaman niya yan, pwede ka niyang layuan at pandirihan ka pa niya. Ouch yun diba?
Pwede kang ma-distract sa studies mo! Kasi sa kaka-focus mo na ma-picturan si crush, hindi ka na pala nakapagreview sa Trigo exam niyo!
Guys, hinay hinay lang sa pag-stalk. Be aware of your goals first! Oha! Umi-english!
Haha! O'siya! Bye!
********
Ssulitin ang pag-UD! XD

BINABASA MO ANG
Uy! Si Crush Oh! Ayieeee!
Подростковая литератураWag kayo magulo. Andiyan si crush! Ano? Maganda na ba ko?! Uy, nakatingin ba siya sakin?! Migash!! Sakin nga! Nagkasalubog kami ni crush sa hallway! Crush niya siguro ako! Lels. Yan ang lines nating mga hanggang tingin na lang. Ang saklap diba? Masa...