#5 Paano Magpapasin?
Nagulat ba kayo dahil tanong ang next chapter? XD Ako din nagulat, eh. Oh well. Kasi parang ang boring nung mga previous chapters kaya ayan, naisipan kong gumawa ng isang malaking kalokohan!
Wag na kayong magulo at humanda sa hinanda kong malaking pasabog, choooos!
Paano nga ba magpapansin? Ke dali dali lang naman magpapansin. Kailangan mo lang ng lakas ng loob at kapal ng mukha. Keri mo ba?
Mahirap magpapansin lalo na kung yung crush mong ang tingin sayo ay hangin, kung minsan masama pang hangin. Masakit diba? Sa inyo lang masakit dahil nipapansin ako ni crush, choos! We're on the same boat!
Eto ay para sa mga taong Kulang Sa Pansin. Wag ng i-deny, idedeny pa eh halata naman! Kulang ka sa pansin! Tanggapin mo na ang ang isang masaklap na katotohanan. Dejokelang, don't lose hope noh. Kung ang balat nga ng kending nakakalat pinupulot pa, ikaw pa kaya? (Ang lame nung explanation ko.)
Oh well, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa.
Bibigyan ko lang naman kayo ng mga tips kung paano gawing makapal ang mukha. Bow.
#1 Mag-ayos ka.
Mag-ayos ka ng gamit mo! Dejokelang, what I mean is kailangan mong gawing maganda ang sarili mo. Kailangan mong mag-toothbrush, magsuklay ng buhok, maligo, magsuot ng trip mong damit at done! Joke, hindi pa tapos..
Ang tip ko ay wag kang magme-make up ng sobra. Siguro okay na ang konting foundation. Wag yung magmumukha kang espasol o clown. Para sakin kasi parang nakaka-turn off para sa boys ang mga babaeng kung makapag-make up ay wagas. Bow.
Mahalaga ang pagiging maganda lalo na sa harap ng crush mo. XD At naniniwala rin akong lahat ng babae ay maganda, kailangan lang matutong mag-ayos ng iba.
Nasa isip mo rin kasi kung magiging maganda kaba o hindi, sabi nga nila, it's the thought that counts nga daw. Kaya naman siguro dapat lagi nating isiping maganda tayo. Basta ako, maganda ako. Nyahahaha.
Confidence din dapat. Kailangan 101% ang confidence mo.
Yun lang. Bow.
#2 Huwag ipahalata
Tingin ko importante ring hindi alam ng crush mo na nagpapapansin ka sa kanya. Kailangang hindi mo ipahalata na kulang ka sa pansin! Kailangang mag-act ka na cool ka lang sa tuwing nakikita mo siya. Yun bang tipong pakipot ka. Kasi sa tingin ko ang mga lalaki o babae ay nagtataray sa tuwing nalalaman nilang sila ang pinagtutuusan mo ng pansin.
Paano nga ba hindi ipahalata sa kanyang nagpapapansin ka?
Una, kailangan wag kang tingin ng tingin sa kanya. Alam kong hindi mo matitiis na hindi tumingin sa kanya pero aba! Tiisin mo yan!
BINABASA MO ANG
Uy! Si Crush Oh! Ayieeee!
Fiksi RemajaWag kayo magulo. Andiyan si crush! Ano? Maganda na ba ko?! Uy, nakatingin ba siya sakin?! Migash!! Sakin nga! Nagkasalubog kami ni crush sa hallway! Crush niya siguro ako! Lels. Yan ang lines nating mga hanggang tingin na lang. Ang saklap diba? Masa...