CHAPTER 13 FLY

57 0 0
                                    

Blue's POV

Nakita ko kung gaano kabilis magbago ang emotion nya kapag nakakarinig sya ng chocolate cake. Gusto kong matawa pero I find it really cute. She seemed very tough outside. Ang lakas kasi ng personality nya, maiintimidate ka talaga kung di mo sya kilala. That is how she wants other people to see her. She doesn't want anyone to think na she is a weakling, though she is not, but once you know her better, you'll see how fragile she is. She reminds of someone, someone in my past. I can't remember her name, her face, but I do recall how good she was, and how tragic... --

"Aray naman!" binatukan nya ko. Sadista 'tong babae na 'to

"Kanina mo pa kasi ako tinitingnan, tapos parang out of this world naman yung tinatakbo ng utak mo. Naka drugs ka ba? Hui masama yun. Itigil mo na. Nakakasira ng buhay yun. Tsk Tsk. Mga kabataan talaga ngayon." sabay hawak sa may baba nya yung parang nag-iisip habang umiiling iling. Hindi ko mapigilang...

"Ahahahahah! Hahahaha! M ikaw ba yan?! Hahahaha! Hahaha!" hawak hawak ko pa yung tyan ko habang tumatawa. Grabe, kung makikita nyo say, grabe, parang bata na tumanda. 

"O, bakit ka natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Epekto ba yan nung tinitira mo? Tskk..."

"Hindi ako nagddrugs! Ikaw ata adik eh. Haha. Nakakatawa ka. Joker ka din pala. Lika na tatalon pa tayo."

Nakita kong namutla nanaman sya kaya naman hinawakan ko yung kamay nya para naman maassure ko sya na di ko sya papabayaan na mamatay dito. I'm not sure where this is coming from but the moment I saw fear in her eyes, I feel like I need to protect her. 

"Hoy! Chansing yan!"

"Asa! Ikaw na nga 'tong binibigyan ng chance na mahawakan ako, ikaw pa 'tong nagrereklamo. Tsaka di kita type noh?!"

"Ang yabang nitong aso na 'to!"

"Hindi ako aso! Baboy!"

"Eehem! Excuse me po, pero kailangan nyo na pong tumalon." sabi nung manong na nag aasist samen.

"Blue, wag mo kong bibitawan ah."

tug

tug

tug

tug

Potek! Bakit bigla akong kinabahan nung sinabi nya yun? Eh kulang na lang gawin ko 'to araw araw. Sanay na katawan ko sa ganito. Pero dahil sa sinabi nya,... may kakaiba akong naramdaman. Kahit di nya sabihin yun, hindi ko sya bibitawan.

Hoy mga readers, baka kung ano-ano nanaman iniisip nyo jan. Wag nyong bigyan ng malisya 'tong gagawin ko. ayoko lang na malaglag sya at mamatay. 

Author: Hindi convincing Blue. Promise! 

-_-

"In count of three, tatalon tayo M, okay?"

Kinakabahan talaga sya. Nakakatawang isipin na gagawin nya 'to para sa chocolate cake. Weirdong babae.

"Trust me Okay?!" Naglakad na kami sa platform kung san kami tatalon. Kailangan ko ng sumigaw dahil malakas ang hangin.

"WAG KANG TITINGIN SA BABA, OKAY? JUST TRUST ME, WE WILL OVERCOME YOUR FEAR! I WILL HOLD YOUR HAND!"

"I TRUST YOU BLUE!"

"ONE!"

"TWO!"

"THREE JUMP!"

M's POV

Pagtalon namin parang tumigil sandali sa pagtibok ang puso ko. Siguro dala ng sobrang takot. Habang bumbagsak kami ng nakadapa sumisigaw ako ng halos mapatid na yung lalamunan ko. Feeling ko ang tagal namin sa ere, siguro dahil sobrang taas nya talaga, pero habang pababa kami ng pababa, unti unting nawawala ang takot ko. Napapalitan ng kakaibang excitement. Yung kaba dahil sa takot ay napuno ng hindi ko maintindihang mga emosyon dahil sa sobrang excitement. 

"GRABE ANG SAYA PALA NITO!"

"ANO?! HINDI KITA MAINTINDIHAN!"

"SABI KO ANG SAYA NITO! BINGI!"

"HA?!"

Bingi pala 'tong si Blue. Bat sya naiintindihan ko, bakit ako hindi nya naiintindihan. Teka...

"THANK YOU LEDESMA! ANG SAYA NG FIRST DATE NATEN! KAHIT PANGALAWANG RIDE PA LANG NATIN TO, AT KAHIT KULANG NA LANG MAMATAY AKO SA TAKOT, MASAYA 'KO! THANK YOU!!!"

Tutal hindi nya naman ako naririnig. Hahaha. Vinoice out ko na lang yung thank you ko. Sa totoo lang  masaya 'ko ngayon. Sobrang komportable ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"Woooohooo!!!" SAYA!!!"

Sumisigaw din si Ledesma, I find it cool. Unti unting bumabagal yung pagbaba namin hanggang sa maglanding kami sa black foam. 

"Ang saya! Grabe! Ang saya nun!"

Blue's POV

"THANK YOU LEDESMA! ANG SAYA NG FIRST DATE NATEN! KAHIT PANGALAWANG RIDE PA LANG NATIN TO, AT KAHIT KULANG NA LANG MAMATAY AKO SA TAKOT, MASAYA 'KO! THANK YOU!!!"

Narinig kong sigaw ni Montenegro. Saglit na nagskip ang heartbeat ko. Masaya din ako Montenegro. Unti-unti kitang nakikilala. Sa loob ng isang araw marami na kong nalaman sayo. Ngayon iniisip ko tuloy kung ano pa bang malalaman ko tungkol sayo sa loob ng isang buwan. Tama kaya na tayo ang para sa isa't isa? Tama kaya si President? Makakalimutan ko na kaya ang nakaraan?

"Ang saya! Grabe! Ang saya nun!"

Ang saya saya nya, masaya ko kasi mukhang naovercome nya kahit papano yung takot nya. Ang sarap nyang tingnan habang tumatawa. 

"Don't drool Ledesma!"

"Ha! In your dreams Montenegro!"

Nakakatuwa lang na kahit aso at pusa kami natatagalan namin ang isa't isa. 

"Ano Montenegro, more rides?"

"Basta ba lahat ng sasakyan natin chocolate cake ang kapalit."

"Oo ba."

----------------------------------

A/N: waahhhh! chocolate cake! Vote/comment/follow po. ^_^

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon