CHAPTER 20 LET'S DANCE

7 0 0
                                    

M's POV

Anung date na ba ngayon? Today is December 17. Yes. Masyadong mabilis ang oras sa timeline ng author. Pero siguro iniisip nyo kung anung nangyari pagkatapos ng Spin the Bottle challenge samen nung birthday ni President.

Walang kakaibang nangyari maliban nga dun sa napunta kay KL yung first kiss ko, pero kung iniisip nyo na may naramdaman akong spark katulad ng iba, nagkakamali kayo, wala akong naramdaman. Feeling ko naman sya din wala. Hahaha. Wala kaming spark. Nagkamali lang ata ng calculation si President, pero syempre hindi naman natin pwedeng husgahan ng dahil lang sa isang halik diba?

Dito na nga din pala nag aaral yung tres marias. Si Kim, Steph at si Sophie. Lumaki na ang barkada na sa simula ay kami lang naman talaga ni Elle, pero dahil sa hindi namin malamang dahilan nadagdagan kami nang dahil lang sa BFC na yan.

Kung nag tatanong kayo kung may development na samen ni Ledesma, well ang sagot jan ay wala. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit everytime na nakikita ko sya eh talaga namang naiinis ako. Siguro tama lang yung ginawa ni President na iextend yung tungkol samen ni Kutung Lups. Well, wala pa namang isang taon, though sa totoo lang hindi ako naniniwala na kami ang meant to be ng mayabang na yun.

Ngayon yung midterm namin sa P.E. Natandaan nyo pa? Ngayon yung performance namin ng Rumba at kating kati na akong pakiinin ng alikabok yang si Ledesma. Kami ni Marcus ang magpartner. Tapos si Elle at si Brent. Yung 3 maria naman at si KL kumuha na lang ng partner sa iba naming classmate.

Hindi kami sabay sabay nagpapractice. I mean si KL lang pala ang hindi namin kasabay, ang katwiran nya baka daw manggaya kami ng steps. Kapal ng mukha.

Hindi pa din nya alam hanggang sa ngayon na magaling AKO sumayaw! Talented kaya ako. Haler! Masyado akong competetive mula pa lang nung bata kami kaya lahat ng pwedeng pag aralan pinag aaralan ko at kung may isang bagay naman akong hindi natutunan, yun ay ang pagbabake. Marunong naman akong magluto. Onti lang. Siguro hindi lang talaga pwedeng nasaken lahat. Maybe I should look for someone who will compliment me.

"M. kinakabahan ako, baka magkamali ako eh. T_T" sabi nang nanginginig na si Marcus. Kanina pa yan hindi mapakali. Naawa na nga ako.

"Ano ka ba? Ako ang nagturo sayo kaya wag kang kabahan! Kayang kaya natin to."

"Yun na nga eh. Mas kinakabahan ako kasi ikaw ang nagturo. Ang galing mo kasi. Paano kung magkamali ako tapos bumababa yung grades mo dahil saken? Eh di pinatay mo ako!"

"Hahaha. Wag kang mag alala, basta magtiwala kang kaya mo yan. Naperfect na natin to nung practice kaya wag kang matakot. You actually did a great job during our practice so alam kong kaya mo din to."

"Grabe, may sakit ka ba? Bakit parang bumait ka ata?"

"Hahaha. Good mood ako kasi pakakainin ko ng alikabok yang si Kutung Lupa!"

"Class, ready na ba ang lahat para sa midterm nyo today?" -Prof Lean

"Yes. Sir. Actually excited na nga ako eh. ^_^" masayang sagot ko.

"Tss. Excited kang mapahiya? hahahaha." sabad naman ni KL

"We'll see kung sinong mapapahiya."

"O, tama na yan. Magsimula na tayo. Gumawa ako ng numbers. Bunutan na lang para walang turuan kung sinong mauuna. Syempre kung sinong makabunot ng no. 1 sila mauuna."

After ng bunutan, nagsimula na ang performance ng bawat grupo, sila Elle ang pinaka unang nagperform, at wala naman akong masasabi kasi dancer naman talaga sya at forte pa nya ang rumba. Panghuli kami, magaling sa bunutan si Marcus eh. Hahaha

Nung sila Ledesma na ang magpeperform, well magaling sya. Mukhang nagpractice nga sya ng husto pero hindi sapat yan para mapatumba mo ang isang Montenegro.

"Hahahaha. Yun na ba yun Ledesma? Yun na ba yun?" pang aasar ko sa kanya.

"Sus. If I know kinakabahan ka na ngayon. Pakitang tao mo na lang yang pagyayabang mo."

Isang smirk na lang isinagot ko sa kanya. Nang kami na ni Marcus ang magpeperform, sumigaw pa si KL na goodluck daw kay Marcus kasi ipapahiya ko lang daw sya. Bohoo!

"Ready ka na ba?"-tanong ko kay Marcus

Simpleng tango lang ang isinagot nya saken. At ng magsimula na ang tugtog, wala na akong ibang nakikita. You see, when I am performing on stage I enjoy every bit of it, I put my heart and my soul to it kaya naman ang kinalalabasan ay...

"That was beautiful Ms. Montenegro! I didn't know that you're that good. Same to you Marcus. Okay class that's it for this year. I will meet you next year. Okay? Advacnce Merry Christmas and happy new year." - sabi ni sir Lean pagkatapos naming sumayaw. At ang buong klase? Ayun, tahimik. Isama mo na ang hindi maipintang mukha ni Ledesma. Hahahahaha.

"Tara na Elle. Good job Marcus!" - tapos nag apir kami, hahaha, the victory is mine!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon