CHAPTER 10 1ST DATE

69 1 0
                                    

Natapos ang buong maghapon namin sa school, pauwi na ko dapat ako ng maramdaman kong may sumusunod saken sa parking lot, may kotse na ko noh?! Tss... hindi mo ko matatakot kung sino ka man, black belter ata ako noh!  

Lakad 

Lakad 

Lakad 

"HOY! BAKIT MO BA 'KO SINUSUN---BLUE?!" 

"Lakas mo din eh noh?! Hindi kita sinusundan Bakit sayo ba lahat ng nakapark na sasakyan dito at walang karapatan ang iba na pumunta dito?" 

"Wala akong sinabi na akin 'to! Gag*!" 

"hahaha! Ayos, nagmumura ka?!" 

"Ay hindi. Hindi mo ba narinig?!" 

"Tss... Sungit!" 

"Parang ikaw lang din!" 

"Nga pala, may pupuntahan ka ba?" 

"Sa bahay, uuwi." 

"Ah mabuti. Tara, samahan mo 'ko." 

"At bakit kita sasamahan? Baka kung anu pang gawin mo saken." 

"Hahaha.... Anu namang gagawin ko sayo? Hindi kita kikidnapin, mayaman na kami. Hindi din kita pag iispang gawin ng kahit anong kahalayan kasi diretso ang katawan mo. hahahaha!" 

"Aba't bastos ka ah!" susuntukin ko sana kaya lang naka iwas sya. -_- 

"Hindi uubra saken yan. Tara na! Sa kotse ko na tayo sumakay. Iwan mo na lang muna yang sayo dito." 

"Ayoko!" 

"I don't accept No Ms. Montenegro lalo na at under pa rin tayong dalawa ng BFC." 

Oo nga pala.  

"Tsk! Sige na, san ba tayo pupunta?!" 

"Basta, sakay!" 

Tss... san kayo ako dadalhin nito.  

"Hui, san mo ba 'ko dadalhin?! 2 oras na tayong nabyahe eh!" 

"Basta, tumahimik ka lang jan. Malapit na tayo." 

"Siguraduhin mo lang kasi gutom na 'ko!" 

****************************************** 

"Hoy! Anung ginagawa naten dito?! Ayoko dito!" 

"Ha? Bakit mo naman ayaw dito? Masaya dito!" 

"Eh hindi ko alam, basta ayoko dito!" 

"Wala ka ng magagawa. Nandito na tayo eh. Hahaha! Baba na kasi!" 

"Ayaw!" 

"Dali na!" 

"AYAW!" 

"Pag di ka bumababa jan, bubuhatin kita!" 

"...................." 

"Isa!" 

"................." 

"dalawa!" 

"....................." 

"Aba't sinusubukan mo ko talaga?!" 

"Hooooooooooooooy! Ano ba Blue! Aray ko, ano ba?! Ibaba mo 'ko!"  

"Ayoko!" 

"IBABA MO 'KO SABI!" 

"A-Y-O-K-O!" 

"PINAGTITINGINAN NA TAYO! ANO BA BLUE!" 

"AYAW!" 

"Uy ang cute naman nila. Ang sweet!" 

"Oo nga bagay sila, gwapo nung guy tapos ang ganda nung girl." 

"Baka bagong kasal!" 

"Parang ang bata naman nila para ikasal." 

"Did you hear that Blue?! Pinag uusapan nila tayo!" 

"So what, you're M, It's new na may pakialam ka sasabihin ng iba." 

Tss. Alam ko this is the first time na isipin ko sinasabi ng iba, pero diba?! Nakakahiya kaya 'to!

"Hoy Blue... sige na ibaba mo 'ko, susunod na ko. Pleeeaaasseee?! Ibaba mo na 'ko!"

"Sa isang kondisyon..."

"Tsskkk. Ano nanamang kondisyon yan?"

"Eto....." Sabay ibinababa ako, teka,

"Aray! Bat mo ko pinalo?!"

"Eh bat hindi kita papaluin eh pinosas mo ko! Tanggalin mo 'to! Para akong mamatay tao! Dali!"

"Hahaha! Sige, tatanggalin ko 'to pero bubuhatin kita, you have to choose." sabay tawa ng nakakaloko. Tarantado talaga to.

"Hand cuff is fine, mas okay na 'to kesa buhat mo ko na para akong inutil. Tsk! Now, anong gagawin naten?!"

"Ano bang ginagawa sa amusement park? Magsswimming siguro!"

Antipatiko talga 'to. Nasa WonderLand kami, isang itong amusement park na mas malala pa sa EK ang rides! Hindi naman ako takot sa mga amusement park, pero ibang klase kasi mga rides dito. Extreme lahat. Naku, mapapasubo yata ako dito. T_T

^_^ ---SYA

"Anung nginingiti ngiti mo jan?! Para kang aso!"

"Gwapo ko naman atang aso! Ang sweet naten di mo ba pansin?!"

"Lets say ka!"

"Anung lets say?!"

"Ay bobo, lets say. minumura na kita di mo pa alam. Leche yun, pero dahil ayaw ni mommy na nagmumura ako kaya naghanap ako ng alternative. Sounds like pa din naman."

"Hahahaha! ibang klase ka, pati ba naman sa pagmumura?! hahaha"

"Pansin ko lang bat parang ang daldal mo ata. Di ka naman ganyan, suplado ka nga eh. Anung nakain mo?!"

-_- "Pakelam mo! Lika na nga!"

Tingnan mo 'to, bipolar pala 'to eh. Minsan masungit, minsan ang kulit. Weird nya. Okay na din 'to atleast may nalalaman ako tungkol sa kanya.

----------------------------------------------------

Rent to Own Boyfriend?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon